PANITIKAN | Wala nang pagpapastulan ng kalabaw

M

Maningning, Insight PH

Author

1 min readApril 8, 2026
PANITIKAN | Wala nang pagpapastulan ng kalabaw

Wala nang damong humahaplos sa paa ng umaga.

Ang kampanilya’y hindi na kumakalansing sa hangin,

nilamon ng makina at businang sumisigaw sa lansangan.

Dati’y luntian ang lawak ng lupa’t kalangitan,

may araw na marahan, may hapong walang hanggan.

Ang ilog ay malinis, dalisay kung pagmasdan,

maging mga punongkahoy, kayrami’t ‘di mabilang.

Ngayo’y lupa’y ‘di na tahanan kundi puhunan,

ang damo’y ‘di na pastulan kundi pagkakitaan.

Pati katubigan na dati’y buhay at kristalino,

ngayo’y bahagi na ng mundong naging semento.

“Kayrami ng gusali,” ani ng aking lola,

ibang-iba na raw sa dating mala-paraiso.

Maging huni ng mga ibon sa ginituang umaga,

ay ‘di ko na marinig o madatnan man lang.

Kaya wala nang pagpapastulan ng kalabaw.

Ang bukid ay naging lote, ang lote’y naging plaza.

Sa pagitan ng semento at lumang damuhan,

bakit maging kalikasan, binibenta’t may presyohan?

M

Written by Maningning, Insight PH

Maningning, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Literary

DDrexli Joanna Ambida, Insight PH

LITERARY | dear meds…

October 10, 2026dear meds,i never wanted not to trust you.i never expected anything from you. you are just a mere table...

5 days ago• 1 min read
EEleuthería, Insight PH

LITERARY | Carpe Diem: Ginto Ang Oras Kasama si Master!

“But don't let it bring you downAnd turn your face into a frownYou'll get along with a little prayer and a song”-With a Smile,...

8 days ago• 2 min read
KKaylyn Intes, Insight PH

LITERARY | Pangalawang Magulang

Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang “pangalawang magulang”?Marahil, isang taong dumat...

8 days ago• 5 min read
Explore all Literary articles