LITERARY | Carpe Diem: Ginto Ang Oras Kasama si Master!

E

Eleuthería, Insight PH

Author

2 min readOctober 8, 2026
LITERARY | Carpe Diem: Ginto Ang Oras Kasama si Master!

“But don't let it bring you down

And turn your face into a frown

You'll get along with a little prayer and a song”

-With a Smile, Eraserheads

Sabi nila na ang oras daw ay parang ginto, walang pinipiling pagkakataon para huminto—kahit pagod, kahit naghihikahos patuloy pa rin ito sa pag-ikot. Kaya daw kapag nasa parte ka na masaya ang araw, sulitin mo na ito, dahil gustuhin man o hindi, lilipas din ito at magiging bahagi na lamang ng memorya mo.

Sa 1 araw, sa 24 na oras at 1440 na minuto, marami ang nangyayari—may mga pangyayaring gusto mo na lamang hilingin na bilisan ang oras. Marahil, dahil ito’y nakakahiya o hindi kaya’y nakagagalit. Ngunit, may mga bahagi rin naman ng araw na masaya at gugustuhin mo na lamang itong ihinto, hinihiling na huwag sana itong maging memorya.

At para naman sa isang mag-aaral, isa sa mga bagay na gugustuhin na lamang naming pabilisin ang oras ay ang mga pagkakataong kinakailangang pumunta sa paaralan, makipagsalamuha sa iba’t ibang mag-aaral at mapagod sa iba’t ibang aktibidad na kailangang gawin. Iyon man ang madalas na mangyari. Hindi pa rin maipagkakaila na may bahagi pa rin ng eskwela ang nais balik-balikan at para sa 8-appreciation, ang isa sa mga lubos naming inaabangan ay ang oras ng pag-aaral ng Filipino, kasama ang aming guro sa Filipino. 

Hindi dahil dito kami pinaka magaling—pero dahil, dito sa oras ng Filipino, may gurong handang makinig sa amin, magturo ng taimtim at may pag-unawa hindi lamang sa aralin kung hindi pati na rin sa aming sasabihin.

Kaya naman ang mga memorya at mga sandaling mayroon ang 8-appreciation kasama ang Master Teacher ng Filipino ng Marikina Science High School at na siya ring aming master sa silid-aralan ang nagsisilbi naming sandalan para magpatuloy kami sa iba pang bahagi ng araw ng may ngiti sa labi.

Higit pa rito, hindi mawawala ang halakhak at asaran sa apat na sulok ng aming silid aralan sa tuwing oras na ng Filipino.

Totoo si sir ang naging “master” namin, hindi dahil dinidiktahan niya kami ng dapat o mga ‘di dapat naming gawin o ikilos—ngunit siya ang nagbibigay ng malumanay na paalala ng aming pagkakamali at kung paano namin ito maitatama upang hindi na maulit pa.

Tinuruan niya kaming harapin ang umaga ng may ngiti, dasal at paalalang hindi pa tapos ang araw—na marami pang pagkakataong itama ang mali, unawain ang aralin at ngumiti ng hindi pilit.

E

Written by Eleuthería, Insight PH

Eleuthería, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Literary

DDrexli Joanna Ambida, Insight PH

LITERARY | dear meds…

October 10, 2026dear meds,i never wanted not to trust you.i never expected anything from you. you are just a mere table...

5 days ago• 1 min read
KKaylyn Intes, Insight PH

LITERARY | Pangalawang Magulang

Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang “pangalawang magulang”?Marahil, isang taong dumat...

8 days ago• 5 min read
JJohn Benedict N. Banday, Insight PH

LITERARY | Ma, Pa, Sorry… Hindi Ako Laude

Bata pa lang ako, alam ko nang mahalaga sa akin ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi dahil sinabi ng iba, kundi dahil nakita ko kung gaano kahirap ...

10 days ago• 5 min read
Explore all Literary articles