PANITIKAN | Isang Anghel

B

Beaker, Insight PH

Author

3 min readOctober 26, 2025
PANITIKAN | Isang Anghel
Pagkapasok ko sa eskwela
ang tanging inaasam at inaasa
“ang iyong mga mata
ang aking unang makita.”

Kasi alam ko na paligid ko'y sasaya
at noong magka-duo tayo
inaya mo ako, “halika na at humimlay”
sa sandaling iyon, ayoko munang mamatay.

Kahit na mahirap ang mabuhay sa SciHigh
siyang tunay na pipiliin ang kahit anong planeta
kahit sa panaginip, kahit sa kuwentong-buhay
basta, dapat kasama kita.

Ayoko munang mamatay, noong nakita kita
kahit anong impyerno, sasamahan ang apoy.
Ang buhay ko na matamlay, ika'y nagsiklab,
paligid ko ay nag-iba, biglang sumaya.

Kahit anong usap sa kaibigan ko, ang sasabihin ko
“noong natagpuan kita, ako'y naging makata”
sinta, ipapagpatuloy ko ang pagsulat ng tula
sa kahit anong dilim, kahit wala akong makita.

kailangan kong harapin ang reyalidad,
ngunit hindi ko ‘to maipasok sa kokoteng kalidad.
Sabi nga, ako'y matalino sa akademiko—
ngunit ako’y bobo sa pagiging romantiko

pero sabi ko, mabibighani ako uli
kapag nakapasok ako sa klase nati'n.
Ikaw ay darating, hindi na ako magdadalumhati,
at wala na akong hahanapin muli.

Noong sumama na sila sa hiyaw,
masama na ang kutob ko.
Ngunit ang ngiti mo lang na ngumingilaw sa kasiyahan,
sapat na nga para kaligtasa'y iwasan.

“Ano ba ang dahilan kung bakit siya?”
Tinatanong nila, hinahanap kung bakit ako'y ganiyan.
Ang sagot ko “dahil ang mata niya'y kumikinang-kinang.”
Sabat ng kaibigan ko, “kinginang ‘yan!”

Ngunit, kung tatanungin mo ako noon— wala na akong babaguhin pa.
Dahil nakita niya ang paggawa ko ng tula na may “basta,” ngunit may pagpapakatunay pa.

Sa hiyaw nila, na pinagtatawanan pala ako,
ayoko munang mamatay sa kinagisnan ko.
Dahil “ang matamlay na buhay ko,”
inapoy niya—ngunit ito'y sunog pala.

Wala nang habulan at takbuhan.
Kung dati'y “paligid ko'y nag-iba,”
kung nakita kita, sinta—
sa tali ko, ako na ay may sala.

‘Di ko akalain na ikaw ang, gagamit sa akin—
sa iyong kasakiman, sa iyong kapakanan.
Sa isang taong akala na kailangan kita—
ikaw ay hindi anghel, kundi maling propeta,
na wala sa papel, ngunit sa huling alaala.

Ayoko munang mamatay ngayon,
ngunit ako ang namatay noon.
Paligid ko'y nag-iba,
at ang pagmamahal ko'y gumiba.

At noong akala ko'y ikaw na ang anghel ko,
naging demonyo ka pala.
Sa mata ng iba, ang sabi ng tala—
ang pagtutuunan ay "akala."

Sa hiyaw ng kaklase natin,
nakangiti ka—hindi sa akin,
ngunit sa kaibigan mo pa laging
ako’y pagtitripan.

Pinagyabang mo na nabighani mo ako,
na natali mo ako sa iyong pagto-tono.
Ngunit, habang nagso-solo ka ng Mundo,
nakalimutan ko na ginamit mo pala ako.

‘Di na ako makatakbo,
nahingal na ako—
hindi dahil sa iyo,
dahil ako’y hinahabol.

Noong natagpuan kita,
pira-piraso ng naibigay ay nawala.
‘Di ko akalain na
maiuuto mo ako, aking sinta.

Kinailangan ko na malaman,
na kinailangan kong tanggapin—
sa gitarang nilalaro mo,
hindi nakaukit ang ngalan ko.

ikaw lang ang kailangan ko—
‘yan ang sabi ko kahapon.
Habang tinitigan mo ako,
sana'y naramdaman mo dalamhati ko.

At sa ngayon, bihira na tayo mag-usap.
At kung oo, naglalakad tayo sa pasilyo—nakita tayo ng kaibigan ko at ng kaibigan mo.
Hanggang ngayon, pinagtatawanan pa rin nila ako.

Para kang isang anghel
sa kalangitang kahel,
na hindi pumapapel
sa aking aklat na matitigil.
B

Written by Beaker, Insight PH

Beaker, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Literary

LLia Abellana, Insight PH

LITERARY | You Were My Idea of Tomorrow

There are people you lose even when they were never really yours to lose.I remember the time I wished, I hope I never lose you.I did ...

11 days ago 7 min read
JJanno, Insight PH

PANITIKAN | Bakit Diyos Pa Ang Kaagaw Ko?

Sa ngalan ng Ama at ng magiging anak sana nating dalawa…Paano ko ba uumpisahan 'to?Hindi naman kita ipinagdasal noon,du...

12 days ago 3 min read
AAaron Dave Mendina, Insight PH

LITERARY | I am who I am because I have always been loved by my English teachers

Once upon a time, there was a candle — wax aged, wick thinning, but eyes that never seemed to dim. And in her warm, reverent fire, fueled by love a...

15 days ago 6 min read
Explore all Literary articles