PANITIKAN | Ikakagalit ba ng Diyos Kapag ako ay Pinulbos?

G

Geboy Maghanoy (Alintaboy), Insight PH

Author

2 min readFebruary 18, 2026
PANITIKAN | Ikakagalit ba ng Diyos Kapag ako ay Pinulbos?

Isa pa. Isagad mo pa...

Nang sa ganoo'y manuot ang masalimuot na kasalanang minsan ko nang winakasan.

Pinili ko nang ikaw ay pakawalan subalit hindi pa rin kita matiis, kaya ako ay nag palit ng wangis, nagpaganda ng labis at nagbihis ng damit na maninipis, kahit pa wala naman akong matris maramdaman ko lang muli ang maiinit mong daplis sa hita kong pinakinis.

Ngunit sa halip na distansya sa pagitan ng aking artipisyal na hiwa, iba ang aking nadama. Sinasariwa lamang nito ang mga masasakit na ala-ala noong ikaw ay nakipagkita sa iyong tunay na sinisinta. Kabisadong-kabisado ko pa ang lilim ng mga labi niyang sing kulay ng rosas sa gitna ng inuupuan niyong mesa, at ang matingkad na kulay puting blusa na suot-suot niya, habang ako ay naghihintay sa pinto nagbibilang kung ilan nanaman kayang pasa ang aking matatamo.

Isang oras ang nagdaan, hindi ko na nakayanan pang pigilan ang bigat na aking dinaramdam, kaya naman hindi na rin ako nagdalawang- isip pa na lapitan ka, lalo pa’t alam ko na pilak ko mismo ang ipinambayad sa mga mamahaling pagkain na inihain para sainyo. Subalit bago pa man ako makalapit, sa akin ay mayroon nang nakakapit, hindi iyon kamay ng iyong kabit, bagkus ay ang iyong mga salita na sa akin ay nagpatigil bigla. Ang inaasahan ko ay ang matatamis mong pananalita at sinserong pagpapakumbaba, ngunit wala pa man akong naririnig labis na ang aking panginginig, sapagkat batid kong hindi lang mga petals ng rosas ang kakalat sa sahig, hindi ito bahagi ng dekorasyon. Nagkalat ang mga ito dahil sa pagbagsak ng vase nang itulak niya ito. Ang mga talulot ay parang mga patak ng dugo sa puting tile. Habang ako’y pa ika-ikang nanghihingi ng tulong kay ale.

Sapat na siguro ang lahat na aking natamo kung tatanungin ako—Ikagkagalit ba ng Ddiyos kapag ako ay pinulbos?

Hindi… Kailanma’y hindi nagagalit ang Diyos.

Sapagkat ako naman talaga ang nag umpisa nito. Ako ang pumili ng sarili kong mundo at ako na rin mismo ang wumasak sa kaluluwa ko. Ginusto ko ito kung kaya't pulbosin man ako ng kanyang mga kamao hindi siya magagalit dahil ang lahat ng ito ay dulot ng mga pagkakamali ko.

G

Written by Geboy Maghanoy (Alintaboy), Insight PH

Geboy Maghanoy (Alintaboy), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Literary

DDrexli Joanna Ambida, Insight PH

LITERARY | dear meds…

October 10, 2026dear meds,i never wanted not to trust you.i never expected anything from you. you are just a mere table...

5 days ago• 1 min read
EEleuthería, Insight PH

LITERARY | Carpe Diem: Ginto Ang Oras Kasama si Master!

“But don't let it bring you downAnd turn your face into a frownYou'll get along with a little prayer and a song”-With a Smile,...

8 days ago• 2 min read
KKaylyn Intes, Insight PH

LITERARY | Pangalawang Magulang

Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang “pangalawang magulang”?Marahil, isang taong dumat...

8 days ago• 5 min read
Explore all Literary articles