PANITIKAN | Hindi ako Mahina, Sadyang Emosyonal lamang ako

A

Angelo Masagnay, Insight PH

Author

2 min readMarch 12, 2026
PANITIKAN | Hindi ako Mahina, Sadyang Emosyonal lamang ako

Ang mga luha ko ay bakas ng aking kalungkutan. Kailanman ay hindi ako naging mahina dahil lang umiiyak ako. Ito lamang ang paraan ko upang ilabas ang kalungkutan na patuloy na nakakulong sa aking puso. Ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata ay simbolo ng bawat sakit at pagsisisi na nagawa ko sa buhay.


Pilit ko mang itago ito, makikita pa rin sa aking mga mata ang lungkot na dinaranas ko ngayon. Pilit ko mang umaktong normal ay 'di ko magawa, dahil parang pinipilit ko lamang ang sarili ko na okay at maayos ako.


Nang marinig ko ang pahayag ni Robin Padilla na iyakin ang henerasyon namin kumpara sa kanilang henerasyon, biglang pumasok sa aking isipan ang sakit na dinanas ko sa kamay ng aking sariling mga magulang. Naalala ko na ako ay hinahambalos ng walis tingting kapag ako ay umiiyak dahil lamang sa isang kendi na nais kong kainin.


Sinasaktan din ako ng aking ama kapag ako ay nakikitang umiiyak, dahil kapag daw ako ay umiiyak, tyak ako raw ay bading. Hinahataw ako ng stick, sinisigawan, o 'di kaya ay sinasaktan gamit ang kanilang mga kamay. Pinipigilan ko na lamang ang aking sarili na huwag umiyak upang hindi na pagalitan. 


Sa gabi, ako ay tumatangis, sapagkat iniisip ko kung bakit ako sinasaktan ng sarili kong mga magulang kahit na maliit na bagay lamang ang aking nagawa.


Nakakapanghina na ba ang pagtangis ng mga kabataan ngayon? Nakababawas ba ng pagkalalaki ang paglabas ng mga luha mula sa mga mata nila? Mahina na ba ako kapag umiyak ako sa harap ng mga tao? Ang pag-iyak ko ang isa sa paraan upang ilabas ko ang lungkot na nadarama ko sa bawat araw na lumilipas. Pilit ko mang itago ito, hindi ko magawa—dahil hindi ko kayang itago nang matagal ang nararamdaman ko.


Kung iniisip ni Robin na mahina na kaming mga kabataan dahil lang umiiyak kami, nagkamali siya. Sapagkat, ang pag-iyak lamang ang tanging solusyon ng bawat kabataan at ng mga Pilipino upang ilabas ang lungkot, pighati, pagsisisi, at problema na kanilang kinakaharap. 


Ito lamang ang paraan upang gumaan ang aming pakiramdam at mawala nang saglit ang problema sa ating buhay. 


A

Written by Angelo Masagnay, Insight PH

Angelo Masagnay, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Literary

DDrexli Joanna Ambida, Insight PH

LITERARY | dear meds…

October 10, 2026dear meds,i never wanted not to trust you.i never expected anything from you. you are just a mere table...

5 days ago• 1 min read
EEleuthería, Insight PH

LITERARY | Carpe Diem: Ginto Ang Oras Kasama si Master!

“But don't let it bring you downAnd turn your face into a frownYou'll get along with a little prayer and a song”-With a Smile,...

8 days ago• 2 min read
KKaylyn Intes, Insight PH

LITERARY | Pangalawang Magulang

Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang “pangalawang magulang”?Marahil, isang taong dumat...

8 days ago• 5 min read
Explore all Literary articles