Siguro nga ay marami ang mga nawiwili sa mga card-stacking statements ng ating 'huwarang' Pangulo na si Ferdinand E. Marcos sa State of the Nation Address (SONA) niya ngayon, ngunit ibabaon na lang ba natin sa limot ang mga pangako na isiniwalat niya sa mga nakaraang SONA?
Isipin nating mabuti: Simula pa lamang nang kampanya niya noong 2022 ay inilahad niya na isa sa kaniyang mga plataporma ay maibaba ang presyo ng bigas sa halagang bente pesos, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin. Ninanais niya na magkaroon ang mga magsasaka nang maayos na kita pero lumalabas pa rin sa mga balita na mayroong mga kaso nang pang-aalipusta sa mga magsasaka na umabot sa puntong pumapayag na lang sila na ibenta ang bigas sa halagang ₱8.
Ani niya sa kaniyang SONA ngayon, "Napatunayan na natin, kaya na natin ang ₱20 sa bawat kilo ng bigas." Anong punto kung napatunayan na ito kung ang kapalit naman ay hanap-buhay ng tao? Isa pa, napatunayan nga na posible ito ngunit hindi naman mataas at sigurado ang kalidad ng bigas na ibinibenta. Parang pinapalabas lang na: Ayos lang kahit mababang kalidad ang bigas basta ito ay abot-kaya. Hindi ko lubos mawari kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob upang sabihin ang mga salitang ito na taliwas sa kung ano ang katotohanan.
Ngayon na marami na ang mga nagbabantay sa kung ano na naman ang mga lalabas na pangako sa mapanglinis niyang bibig, ito na ang panahon upang matuto siya ng leksyon nang sa gayon ay magkaroon ng progreso ang pamamalakad niya sa bansa.
Nakakalungkot lang isipin na kadalasan sa mga Pilipino ngayon ay nahuhumaling pa rin sa kaniyang mapanlinlang na mga pangako. Gayunpaman, may iilan pa rin ang pumupuna at naghahangad na harinawa'y matupad na ang lahat ng mga solusyon na kaniyang ibinabahagi — at ang iilang mga ito ay isa sa mga maaaring maging susi upang tayo ay makalaya sa nakakasakal na sistemang nararanasan natin ngayon.

R
Written by Rhan Saloma, Insight PH
Rhan Saloma, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.