KOMENTARYO | Mas Masahol Pa ang Nakabarong Kaysa Nakahubad

R

Rhan Saloma (Rhandom Thoughts), Insight PH

Author

3 min readApril 16, 2026
KOMENTARYO | Mas Masahol Pa ang Nakabarong Kaysa Nakahubad

Matagal nang pinaniniwalaan ng bayan na ang “batas” ang siyang nagpoprotekta sa lahat, lalong-lalo na ng mga nasa laylayan. Subalit, sa panahon ngayon, ang batas pa ang nananamantala sa mga ito.

Nitong Abril 6 ay inilabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang Safer Metro Manila Plan na layong paigtingin ang kaligtasan sa mga kalye. Gayunpaman, ang bagong panuntunang ito ay mas lalo lamang nagpapagulo sa kapayapaan ng mga tao.

Ilang araw pa lang matapos ang pagpapatupad nito, marami na ang nagreklamo. Isa sa mga naapektuhan ng mapagkanulong pamamalakad na ito ay ang isang lalaking dinakip sa Mandaluyong sa kadahilanang nakahubad ito habang naghahalo ng semento sa isang makitid na eskinita. Uulitin ko: habang naghahalo ng semento sa isang makitid na eskinita.

Upang maging patas, suriin natin ang nakalagay sa papel ng planong ipinapatupad nila. Batay sa kanilang Press Release, ipinagbabawal lamang nila ang ‘nudity' o paghuhubad sa mga gilid ng kalsada. Sa nangyaring engkwentro, naghahanapbuhay lamang ang mamá sa isang masikip na daan.

Akalain mo ‘yun, nagtatrabaho ka lamang nang marangal upang makapagtustos sa mga pangangailangan niyo, pero nadawit ka pa sa walang kwentang mga plano ng gobyerno. Habang ang ilan sa mga mayayaman, malaya lamang na nakakapag-lakwatsa saan mang gusto nila–nakabarong man subalit gumagawa naman ng hindi makatarungang trabaho.

Napag-alamang wala ring abisong ibinigay sa lalaking nakahubad, batay sa GMA Integrated News, na mas nakagagalit pa dahil dali-dali na naman silang nangtitiket ng mga inosenteng mamamayan. Isa pa sa nakayayamot na maaaring epekto nito sa mga tao ay ang mas lalo nilang paghihirap, samantala ang mga nasa posisyon ay patuloy na nagpapayaman. Limang libo ba naman ang katumbas ng isang tiket, kung saan mas malaki pa sa mga sinasahod, kung meron man, ng mga nasa laylayan.

Hindi sapat na rason ang paghuhubad ng mga sibilyan sa mga eskinita at kalsada upang ibilanggo sila at pagbayarin ng ‘di makataong multa. Ayon sa tala ng PAGASA, tinatayang nasa 38ºC hanggang 40ºC ang nararanasan ng mga piling bahagi sa Pilipinas, kabilang na ang Metro Manila. Sa datos na ito, hindi maipagkakaila kung bakit gumagawa ang mga tao ng paraan upang maibsan ang init, at isa na rito ang paghuhubad ng pang-itaas na kasuotan.

Kung tutuusin, hindi hamak na mas masahol pa ang karamihan sa mga nakabarong sa kongreso dahil sa mga mapagkanulo nilang istilo ng pamamahala. Kaya nararapat lang na panagutin sila dahil sobra na ang panggagamit nila sa taumbayan. Huwag na nating hintayin pang mas humaba pa ang pamumuno nila na magpapahaba rin ng panahong tayo ay maghihirap.

R

Written by Rhan Saloma (Rhandom Thoughts), Insight PH

Rhan Saloma (Rhandom Thoughts), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Commentary

VVis, Insight PH

COMMENTARY | Keep It Cool, Pal!

For an ex-convict to tolerate Bato Dela Rosa’s absence from the senate because of rumors that the International Criminal Court has issued an arrest...

3 months ago 2 min read
AAvaia, Insight PH

KOMENTARYO | Hindi ‘bayad’ ang tunay na alagad ng katotohanan

Sa tuwing lilitaw ang panibagong isyu, mga mamamahayag ang gumigising nang maaga upang maghatid ng mainit at may kalidad na impormasyon para sa bay...

4 months ago 3 min read
NNatalie Angela, Insight PH

COMMENTARY | Who Wins When the Children Lose?

The decision to end the $11 million contract with Catholic Charities in Miami is a move that trades compassion for politics. For over 60 years, thi...

4 months ago 2 min read
Explore all Commentary articles