KOMENTARYO | Kahinaan ng Palakasan

R

Rhan Saloma, Insight PH

Author

3 min readSeptember 19, 2025
KOMENTARYO | Kahinaan ng Palakasan
Sa mga nagdaang taon, patuloy pa rin ang pagiging kulelat ng mga Pilipino pagdating sa mga pampalakasang patimpalak. Marahil may iba na umaarangkada sa larangang ito, subalit karamihan ay talagang lugmok. Hindi ko lubos mawari sapagkat batay sa State of the Nation Address (SONA) ni kasalukuyang Pangulo na si President Ferdinand "Bongbong" Marcos ngayong taon, binabaan mula ₱1.156 bilyon noong nagdaang taon hanggang ₱725 milyon na lamang ngayong taon ang pondo para sa isports. Kung ganiyan lang naman, dapat na umaksyon sila at bigyan ng sapat na suporta ang mga atleta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga maayos na kagamitan.

Limpak-limpak naman pala ang salapi subalit bakit ang hina pa rin ng palakasan sa Pilipinas? Nakakalungkot ang ganitong sitwasyon sapagkat inaasahan nila ang ating mga atleta na kumobra ng mga gantimpala nang sa gayon ay mas lubos pang makilala ang bansa, ngunit taliwas naman ito sa suportang kanilang ipinapakita.

Totoo naman na maaari ring maging isa sa dahilan ng paghina ng palakasan ay ang mga personalidad ng bawat atleta. Gayunpaman, mas malaki pa rin ang gampanin ng gobyerno sa pagpapalakas nito. Hindi natin masisisi ang mga atleta kung nawawalan sila ng gana na mag-ensayo sa kadahilanang wala silang maayos na kagamitan upang paghasaan.

Kung sasabihin mang gumawa nalang ng paraan at huwag nang umasa, hindi ito makatarungan. Isa sa papel ng gobyerno ang mabigyan ng mabuting hulmahan ang mga atleta. Kaya dapat lang na patuloy na umasa ang mga atleta kung madalas nalang na 'bare minimum' ang ipinapakitang paggabay ng mga nasa pwesto.

Batay sa ulat ng GMA News, mayroon nang pakaroroonan ang pondo sa isports para sa taong ito—tulad na lamang ng ₱255 milyon na ipopondo para sa mga pag-eensayo ng mga atletang sasalang sa 2025 Southeast Asian Games at iba pang pang-internasyonal na kompetisyon. Sana naman ay maging katotohanan ito at hindi maging isang pangako lamang. Kung mapupunta ang pondo sa mga nararapat na suportahan, tiyak na mapapasakamay ng bansa ang kalakasan.

Hindi kailanmang magiging malakas ang palakasan kung walang instrumento na mas makakapagpatibay sa pondasyon ng mga atleta. Kung kaya, hinaing ng karamihan na sana makinig na ang gobyerno at bigyan ng pansin at bigyang-diin ang mga pasilidad na makakapagpalago sa kakayahan ng mga manlalaro. Harinawa'y magkaroon na ng kaayusan ang pagdaloy ng pera para sa alokasyon sa mga sangay ng bansa.

Kung magagawa ng gobyerno na maging tapat sa pagbibigay ng badyet para sa palakasan, masisigurado natin na makakamtan ng mga atleta ang mga mithiin ng bawat Pilipino para sa kanila. Maaari itong maging tulay upang makamtan ng bansa ang mga rekognasyon na lubos na inaasam-asam.
R

Written by Rhan Saloma, Insight PH

Rhan Saloma, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Commentary

VVis, Insight PH

COMMENTARY | Keep It Cool, Pal!

For an ex-convict to tolerate Bato Dela Rosa’s absence from the senate because of rumors that the International Criminal Court has issued an arrest...

3 months ago 2 min read
AAvaia, Insight PH

KOMENTARYO | Hindi ‘bayad’ ang tunay na alagad ng katotohanan

Sa tuwing lilitaw ang panibagong isyu, mga mamamahayag ang gumigising nang maaga upang maghatid ng mainit at may kalidad na impormasyon para sa bay...

4 months ago 3 min read
NNatalie Angela, Insight PH

COMMENTARY | Who Wins When the Children Lose?

The decision to end the $11 million contract with Catholic Charities in Miami is a move that trades compassion for politics. For over 60 years, thi...

4 months ago 2 min read
Explore all Commentary articles