Isang pundasyon sa larangan ng Volleyball ang maayos na pag-serve ng bola sapagkat sa pamamagitan nito ay magiging maayos din ang takbo ng laro. Kamakailan lang, pinangunahan ni Pang. Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang opisyal na pagbubukas ng FIVB Volleyball Men's World Championship kung saan naatasan siyang gawin ang 'ceremonial serve'. Aba'y mas mainam pa sa Volleyball marunong siyang mag-serve, ngunit ang tanong ganoon din ba siya kagaling sa pag 'serve' sa taumbayan?
Umani ang kagagawan niyang ito ng pambabatikos mula sa mga netizens sapagkat hiling nila na sana hindi lang bola ng Volleyball ang i-serve niya nang maayos—nawa'y pati rin ang bansa. Naiintindihan ko ang hinaing nilang ito dahil siyang tunay naman talagang umaasa pa rin tayo sa mabisa niyang panungkulan, sa kabila ng halos tatlong taon niyang paninilbihan.
Dagdag pa, kinakailangan din ng matibay na depensa sa Volleyball upang maiwasan ang anumang makakapagpatalo sa koponan. Ganito rin ang dapat na tinatangi ng ating Pangulo—ang tutukan ang depensa sa bansa. Kung tutuusin, masyadong mahina ang seguridad natin sa bansa na umaabot sa puntong may naisasakripisyong buhay. Katulad na lamang ng daan-daang mga mamamahayag na nawawakasan ang mga buhay dahil sa kapabayaan at kakulangan ng pagtutok ng gobyerno.
Higit sa lahat, dapat din na magkaroon ng malalakas at matitinding sibat sa bola ng Volleyball ang mga manlalaro nito nang sa gayon ay malampasan nila ang kalaban. Maging katulad din sana nito ang ating Pangulo at tigilan na ang pagiging huwaran at duwag. Harinawa'y magkaroon na ng maayos na pang-tibag sa mga maling gawain para makamtan ng sambayanan ang matiwasay na pamumuhay. Maging kasing lakas at bilis ng bawat hampas sana ang mga aksyon ng Pangulo para wakasan ang laban sa masasamang gawi at mapasakamay ng bawat Pinoy ang tagumpay na matagal na nilang inaasam-asam.
Hangarin ng karamihan na wag na sana nila tayo idaan sa mga pambobola nila dahil marami na ang nagkamalay sa kung paano ang tama at nararapat na gawin—katulad na lamang kung ang isang manlalaro ng Volleyball ay natutunan na ang kalkuladong hakbang, depensa, at tira sa bola. Maaaring nakakatawa na ihalintulad sa balibol ang mga dapat na gawin ng Pangulo, subalit kung iisipin nang mabuti, magiging makabuluhan ito at magkakaroon ng halaga na maaaring makapagpabago sa kasalukuyang estado ng bansa.

R
Written by Rhan Saloma (rhandom), Insight PH
Rhan Saloma (rhandom), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.