KOMENTARYO | Dedma sa Basher

K

Kyriel Ashten A. Yu (What Yu Thinks), Insight PH

Author

2 min readNovember 18, 2025
KOMENTARYO | Dedma sa Basher
May napapansin ka ba? Parang habang tumatalino ang teknolohiya, dumadami naman ang mga taong walang utak sa comment section.

Sa totoo lang, napakadali maging basher—isang pindot, isang typo, isang larawan ng pribadong bahagi ng katawan, at isang mura—at ayun nga, may sabi na ang isang tao. Pero bago pindutin ang send, hindi ba dapat may kahit kaunting pag-iisip?

Kultura na kasi ang pagiging padalos-dalos: mas inuuna ang pag-bash kaysa sa pag-unawa; mas madali ang manlait kaysa magpaliwanag. Hindi naman kailangan maging perpekto ang lahat ng komento, pero sana naman, hindi puro walang kakwentahang ingay ang itinatanghal.
Hindi lahat ng pahayag ay may saysay, at lalo namang hindi lahat ng boses ay may ambag sa pag-unlad ng lipunan. Marami sa atin, sa halip na magbigay ng matinong punto, ay nagpapadala ng mga komentong walang direksyon, walang laman, at minsan ay walang ibang layunin kundi manggulo. Ang ganitong klaseng “ambag” ay hindi nakatulong noon, at hindi rin makakatulong ngayon.

Kapag opinion article ang binabasa, ‘wag naman sanang inisip na si Google ang kaharap mo. Opinyon ito; may punto, may perspektibo, may tinig, may tindig. Hindi trabaho ng manunulat na iwasan ang sariling kuro-kuro para lang hindi ka umiyak. Ang trabaho niya ay maglahad ng iniisip niya; ang trabaho ng mambabasa ay unawain ito, hindi atakihin dahil lang hindi tugma sa sariling paniniwala. Kaya naman nakakatawa—at nakakalungkot—na may mga taong nagrereklamo sa isang opinyon dahil opinyon ito ng isang tao.

Pero kung talagang may hindi sumasang-ayon? Ito ay magandang pagkakataon para magsulat nang may saysay. Kung may hindi ka gusto, sabihin mo bakit. Kung mayroon kang kakaibang pananaw, ilahad mo. Kung may mali, itama mo nang mahinahon. Hindi para manalo sa argumento, kundi para makapag-ambag sa mas maayos at matinong diskurso.

Sa bandang huli, hindi mawawala ang mga basher na ‘yan. Pero puwede silang dedmahin—at higit pa roon, puwede silang lampasan sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulat, patuloy na pag-opinyon, at patuloy na paghimok na gamitin natin ang comment section hindi bilang basurahan, kundi bilang espasyo para mag-isip. Hindi kailangan ng lipunan ang mas maraming ingay; ang kailangan nito ay mas maraming taong may respeto, may pag-unawa, at may utak.

Hindi problema ang paglalahad ng opinyon; ang tanging problema ay kapag ang komento ay hindi na naghahatid ng punto—kung hindi puro eme lang.

DEDMA SA BASHER!
K

Written by Kyriel Ashten A. Yu (What Yu Thinks), Insight PH

Kyriel Ashten A. Yu (What Yu Thinks), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Commentary

VVis, Insight PH

COMMENTARY | Keep It Cool, Pal!

For an ex-convict to tolerate Bato Dela Rosa’s absence from the senate because of rumors that the International Criminal Court has issued an arrest...

3 months ago 2 min read
AAvaia, Insight PH

KOMENTARYO | Hindi ‘bayad’ ang tunay na alagad ng katotohanan

Sa tuwing lilitaw ang panibagong isyu, mga mamamahayag ang gumigising nang maaga upang maghatid ng mainit at may kalidad na impormasyon para sa bay...

4 months ago 3 min read
NNatalie Angela, Insight PH

COMMENTARY | Who Wins When the Children Lose?

The decision to end the $11 million contract with Catholic Charities in Miami is a move that trades compassion for politics. For over 60 years, thi...

4 months ago 2 min read
Explore all Commentary articles