Ilang hakbang lang
mula sa 'di kalayuan
aking napagmasdan ang
mga mata’y kay sarap pagmasdan.
Nang lumaon pa'y
kay ganda ng mukha ang bumungad—
mga ngiting nagbigay buhay,
sa puso’y katulad mo ang hangad.
Nagkahiyaan man sa una
at 'di tayo nagpakita,
sapagkat ang pagmasdan ka
ay dibdib ko'y binabalot ng kaba.
Hanggang tingin na lamang ba ako?
Kahit ilang dangkal lang ang layo,
baka kung mapansin mo
ay lumayo ka.
Limang araw kitang inabangan,
limang araw ding pasulyap-sulyap;
hinihintay na huminto ang oras—
baka bukas ay di na kita makita pa.
Datapwat ikaw'y halos abot-kamay lamang,
subalit tila dagat ang pagitan sa atin.
'Di ko nasabi ang nararamdaman
hanggang sa tayo ay magpaalam.
Ang mapagtantong di ka makikita,
panlulumo ang mahahalata.
Sana'y nasabi ko nung una pa
na hindi panghihinayang ang aking dala.
Kailan kaya ulit kita masisilayan?
Ang mga matang mo’y kay sarap titigan,
ang labi ring kay sarap, mapulang kay gandang pagmasdan—
at nang makilala kita ng tuluyan.
Written by Florenz Gie Abit, Insight PH
Florenz Gie Abit, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



