Sa paghalik ng matulis na bagay sa aking balat, ay siyang pag-agos ng dugo na matagal nang ikinulong ng aking katawan. Hindi alintana ang hapdi na nararamdaman, bagkus ay nakatuon lamang sa kawalan habang ang kamay ay paulit-ulit na sinasaktan ang matagal nang inabusong katawan.
Mas dama pa ang pagkahumaling sa nagdurugong kalamnan kaysa sa takot na isang hiwa lang ng katulisan sa balat ay makikita ko na si kamatayan.
Binaon na sa limot ang mga problema, ngunit kagaya ng mga bangungot ay nagsilbi itong palatandaan sa pananabik kong mahagkan si kamatayan sa kaniyang kaharian.
Isa na akong multo na hindi kilala ang sarili—namamayat na, namumutla, at maraming mga pasa na galing sa sariling mga kamay. Mas maayos na ito dahil para sa mata nila, ay maayos ako at hindi na kailangan ng pangangamusta.
Ako’y matagal nang inilibing sa hukay ng mga patay kong mga pangarap. Pilit umaahon. Bumabangon. Dahil ako lang ang nakaaalam na araw-araw kong kapiling si kamatayan hanggang sa aking pagtulog.
Sabi ng mga magulang ko na nababaliw na raw ako nang aksidente nilang nasilayan ang paghiwa ng matulis na patalim sa aking palapulsuhan.
“Demonyo!” ang naging sigaw ni Mama habang blangko lang akong nakatingin sa kanila kasabay ng pagpatak ng mga butil ng dugo mula sa aking palapulsuhan at nagkalat sa aking paanan.
Simula noon ay hindi ko na dama ang sariling katawan. Naging normal na sa akin ang sugatan nang paulit-ulit ang sarili ko, dahil lamang sa ganitong paraan ko lang naramdaman na nandito ako, humihinga, buhay, at patuloy na nakikipaglaban.
Ngunit kagaya ng pagkamuhi ng mga magulang ko sa ginawang kalapastanganan, ay gano’n din ang pananalig ko na sana kinuha na lang ako ni kamatayan at pinatira sa kaniyang kaharian. Nang sa gayon ay hindi ko na kailangang paduguin ang sarili ko upang mapansin lang ng iba ang tunay kong nararamdaman.
Kaya kung tatanungin mo ako kung ano ang ipinapanalangin ko sa araw-araw, ay iisa lang ang sagot ko:
“Sana patay na ako.”
Dahil kapag sumakabilang buhay na ang isang tao, ay saka lang nito mararamdaman na nasisilayan siya ng lahat at hindi siya isang kawalan nang kinamuhian niya ang sarili niyang katawan.

D
Written by Dom Mori, Insight PH
Dom Mori, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.