Malapit na kami mag-graduate. Isang taon na lang. Nakakagulat nga: noong isang pikit ko lang ng mata, gumagala pa kami sa school kasama ang mga dati kong kaibigan noong ika-walong baitang , tapos ngayon, huling taon ko na dito sa paaralang ito. Marami akong karanasan dito, ngunit may isa akong karanasan na hinding-hindi ko makakalimutan: ang dati kong crush, hindi ko rin masasabi kung makakamove-on din ako sa kanya.
Sa bawat sulok ng maliit naming paaralan, para siyang multo na pasikot-sikot sa dulo ng mga mata ko. Sa bawat oportunidad na makikita kita, naalala ko ang ilang luha na ginastos ko sa ginawa niya. At halos galit na rin ang maramdaman ko kung mag-usap kami—simpleng “hello" lang ang sinasabi sa’kin—ngunit, hindi rin ako magalit nang ayos, dahil mahal ko pa rin siya. Hindi ko rin alam, ngunit mahal ko pa rin siya.
Oo, nag-sinungaling ako sa titulo ko. "Gusto ko pa rin siya makita," ang sigaw ng puso ko. Pero, iba ang sinasabi ng katawan ko at ng mga kaibigan ko. Gusto ko siyang makita, pero para lang tanungin siya kung bakit niya ginawa sa’kin ‘yun. Ang gusto kong tanungin, kung bakit niya ako ginamit.
Ang gusto kong tanungin—kapag matapang na ako—kung ano ang ginawa ko para maging tadhana ko ito.
Ngunit, bakit nagpaparamdam ka pa rin? Kung magkita tayo, ang kaswal mo magsabi ng “Hello" sa akin. Kung magdaanan tayo sa mga pasilyo ng pamantasan, tumatango ka sa’kin. At noong ”nagsulat” ka ng letra papunta sa’kin, nanghingi ka ng pasensya, at ginamit mo ako.
Hindi ko rin alam kung paano ko ito pagkakahulugan. Galing nga ba ito sa’yo, o galing sa mga kaibigan mong ginagawa na naman akong biro? Gustong paniwalaan ng puso ko na bukal ito sa iyong puso, pero halata naman—pinagbibiruan mo lang ako.
Hindi ko rin naman matanggal sa isipan ko ang posibilidad na naging crush mo rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit.
Naiisip ko rin kung anong nangyari kung hindi tayo nagkakilala. Baka ngayon, masaya na buhay ko. Baka ngayon, wala hindi ako pinagtatawanan ng mga kaibigan ko sa bobo kong mga desisyon sa buhay. Naiisip ko na rin kung ano siguro ang iniisip mo kung nakikita mo ako.
Hindi ko rin alam. Baka in denial lang ako; baka hindi mo naman ako gusto.
Isang taon na lang naman; isang taon na lang, hindi ko na makikita ang katauhan mo. Hindi ko maririnig ang tunog ng iyong gitara, hindi ko na mamamalayan na nagbago ka na ng pangalan sa Instagram, at hindi ko na rin makikita ang anino mo’ng maliit.
Kailangan na lang kita tiisin ng isa pang taon, tapos sa unibersidad kong inaasam, sana hindi na kita makita, at para sa aking sarili noong ika-10 na baitang, sana hindi mo siya nakilala. Sana hindi mo siya kinausap.
Written by Glass, Insight PH
Glass, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



