Sabi nila, bawat isa raw ay may angking kakayahan—yung masasabi mong “sa'yo.” May mga ipinanganak na magaling sumayaw. May magaling magpinta. Mahusay magsulat ng mga piyesa. Mala-Hollywood actor sa pag-arte. O ‘di kaya nama’y mayroong nakahuhumaling na boses sa pagkanta. Pero ako? Kaya kong gawin lahat iyan.
Kaya kong sumayaw, pero basic steps nga lang. Kaya ko ring magpinta, pero ‘di kasinggaling ni Leonardo da Vinci. Nakakapagsulat din ako ng mga tula, pero ‘di sapat para mapansin ng iba. Sanay akong umarte, pero laging side character lang sa mga performance. Kumbaga saling-kitkit lang sa palabas. Kumakanta rin ako… pero sa banyo nga lang.
Maituturing daw na isang biyaya ang pagkakaroon ng maraming talento. Magmula bata pa lang ako ay madalas na akong nakakatanggap ng papuri galing sa iba.
“Malayo ang mararating mo”
“Ang galing mo talaga!”
“Napaka-talented mo”
Naniwala ako. Lahat ng salitang binibigkas ng kanilang labi ay pinaniwalaan ako. Sabi nila, magaling ako. Kaya’t inisip ko rin na totoo ang mga ito. Pero habang tumatanda ako, doon ko lang napagtanto na isa lang itong kasinungalingan—isang panakip-butas para sa katotohanang marunong lang ako, pero hindi kailanman magiging magaling.
Maituturing ko itong isang sumpa. Isang insekyuridad na nakakapit sa aking balat at nakabaon sa aking ugat. Bawat “talento” ay isang paalala sa'king sarili na hindi ako sapat. Hindi ako magaling gaya ng sinasabi nila. Wala akong matatawag na “sa akin” dahil bawat talento at parangal na nakamit ko ay isa lamang anino sa ibang tunay na nagtataglay ng husay sa larangang ito.
Araw-araw kong kinikilala sa tahimik na paraan ang aking sarili. Subok dito, subok doon. Aral dito, aral diyan. Nagbabaka-sakaling maging mahusay kahit sa isang bagay lang. Pero paano ko nga ba malalaman ang tatahakin kong landas kung buong-buhay ko’y naging gaya-gaya lamang ako sa ibang tao? Sa dami kong kayang gawin, ni hindi ako kailanman naging magaling.
Ngayon, nananatili akong nakagapos, hindi makausad, at ‘di alam ang patutunguhan. Hindi ko na alam kung ano pa ang plano ko. Natatakot ako na baka sa sobrang dami kong pangarap, maging talunan lang ako. Na baka maging isa lang din ako sa mga taong nauwi lamang sa paghihintay sa himala. Wala nang direksyon sa buhay, taimtim na lamang na humihiling na sana’y isang araw ay umayon din ang tadhana. Dahil bali-baligtarin mo man ang mundo, madamot ito para sa mga kagaya kong lagi lang nasa gitna, at hindi makakaabot man sa itaas.

A
Written by Arianne Jhayne, Insight PH
Arianne Jhayne, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.