Aking Magda, nasaan kana?
Pagmamahal ko ba'y iyo man lang nadama?
Tila ba nagbago ka ng minsang tayo'y nagkaproblema.
Ang pagkasabik mo saking presesya'y tila ba nawala.
Yaong, ika'y naging makasarili't nagbago ang kilos at pananalita.
Aking Magda, dating tayo'y nasaan naba?
Pagsasama nati'y tila ba nag-iba,
Bawat pangakong binitawa’y napako na.
Mga ala-ala'y tila ba larawang naka-ukit na lamang sa’king kaluluwa.
Yaring puso'y namamanglaw nang sa iyong pagkawala.
Aking Magda, mga lugar nating nayapaka'y puno na lamang ng pighati't, pagdurusa.
Sa bawat katagang binanggit "Ika'y aking mamahalin at papakasalan" naglaho nang parang pangarap kong ika'y makasama hanggang kamatayan.
Minsang ako'y umasa sa matagal na pagsasama; sya ring nawala matapos iyong pagkaitan ng kalayaan sa pananalita.
Aking Magda, pagmamahal ko'y tila nahimlay sa hukay sa iyong mga ginagawa,
Lahat aking ibinigay para lamang hindi magsawa,
Sinaktan ang aking sarili upang ika'y makitang masaya.
Ako'y nariyan sa bawat pagtangis, ngunit nasaan ka nung ika'y kinakailangan na.
Aking Magda, ako'y iyong tinanggap na para bang nakatulog sa pagluha.
Akin kitang pinatuloy at ipinuwesto sa’king puso na parang isang malaking lawa.
Gayundin, Ika'y nagsawa simbilis ng pagdilat ko sa init ng kama.
At ako'y iyong sinira nang ika'y lumisan sa aking piling — tila takbo ng tadhana.
Datapwa't pagmamahal ko'y unti-unti naglalaho tulad ng mga bulaklak sa kalsada
Aking Magda, bago mawala ang liwanag — hiwaga ng nagniningning na tala,
Hindi mawari ng aking lubos na isipan, kung saan ako nagkulang at lumagpas ng sobra.
Pagmamahal ko sayo ngayo'y walang karapatang sagot kung yaring naghahari pa, bagama’t handa akong iwaglit sa oras na kailangan na.
Aking Magda, gustong masilayan ang iyong hiwaga sa huling patak ng gintong oras bago ang takipsilim.
Gayundin, ganoon ako kasabik na makita ka sa liwayway ng nakakabighaning umaga.
Umaasang mahahagip ang iyong imahe sa huling araw ng taon kung saan matatapos na ang aking pag-aalala.
Aking Magda, Bagama’t ang ating pagsasama'y natapos na,
Ang pangarap kong pagpapakasal sayo'y nalugmok na,
Pag-asa kong makapiling ka hanggang pagtanda mas maaga pang natapos kesa sa inaakala.
Ang madala ka sa tapat ng altar ay isa nalamang nabaong salita.
Aking Magda, Oo, alam kong ka'y bilis kong ipangako, mithiing pagpunta sa altar nang magkasama,
Ngunit, hindi mo alam kung gaano kita ipinagdasal sa bawat pagyapak ko sa tahanan ng ama.
Sa bawat panalangin – paghingi ng tawad, ay sya ring pasasalamat na ika'y dumating sa’kin tila munting biyaya.
Sa bawat oras na napadaan sa gilid ng simbahan, ikaw ang mukam bibig ng aking pananalita,
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan, kaya't ipagdasal ka'y kagustuhang makasama nang walang hanggan.
Aking Magda, kay bilis ng oras at panahon, kung dati tayo pa, wala na ngayon.
Nakakagulat, dahil sa bawat minutong ako'y nag-iisa ika'y pumapasok saking isipan nang wala manlang paunang salita.
Yaong bumabalik ang lahat sa bawat segundong ika'y hindi kasama — kinakain ako ng aking namamanglaw na luha dahil 'di lubos maisip ang dahilan ng iyong pagkawala.
Aking Magda, nararamdamang pagmamahal ko sayo'y pawang walang kinikilingang balita.
Ikaw ang nagbigay saya sa puso kong puno ng pait at pagdurusa.
Gayundin, sa bawat katagang aking binatiwan "Mahal na mahal kita" ay yaring pusong nasaktan ng sobra-sobra.
Aking Magda, ako'y iyong natukso't nadala,
Nabighani ako sa hiwagang iyong dinadala,
Na maging sarili kong pagkatao'y 'di ko na makilala.
Pagtapak ng gabi'y 'di maiwasang marinig ang iyong pagluha sa ilalim ng dilaw na buwan,
Na sa bawat memorya't ala-ala ng iyong nakaraan
Sa bawat mapapait at nakakasuklam na karanasan,
Hindi mapigilan ang pagtangis at pananakit sa sariling katawan.
Aking Magda, sa lahat ng nangyari sa pagitan ng ating pagsasama,
Palagi akong humihiling – naghuhulma ng mga imahe saking isipan na tayo'y magkasama.
Sa bawat oras, minuto, segundo't panahon na 'di nagkakasama, puso'y ko'y lumuluha't, nanghihina.
Bagamat masakit, ay kailangan ko nang pakawalan ka dahil ito ang kagustuhan mo para sating dalawa.
Aking Magda, dalawang puso ang pinagtagpo,
Dalawang tadhana ang pinagtapat, at
Dalawang kaluluwa ang pinagsama,
ngunit iisa lang ang piniling matira sa relasyon nating matagal ng nawala.
Oo, masakit saking damdamin ang iyong paglisan,
pero ako'y pumayag bagkus pagod narin akong masaktan.
Written by Jonred E. Guinto, Insight PH
Jonred E. Guinto, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



