“Hindi ako baliw‚“ bulong ko sa hangin‚
Ngunit sumagot siya—tinig kong malalim.
May katawang wala‚ may matang nakatitig nang matalim‚
Sa bawat paghinga‚ ako’y nagigising.
May mga rebultong hindi ko kilala‚
Ngunit alam nila kung saan ako luluha’t sasaya.
Ani ng isa‚ “tara‚ dito ka na‚“
Habang patuloy akong ginagapos ng malamig na pagdududa.
Ang kisame’y may matang nakatitig.
Ang sahig ay may bibig na nananabik.
May kamay sa ulap‚ may sigaw sa hangin.
Pilit akong inaaya na sumayaw sa gitna ng dilim.
“Hindi ako baliw!“ — sigaw kong marahas.
Ngunit ang tinig ko’y bumalik nang impit at basag.
Ang mga dingding ay biglang natawa‚
tila mga demonyong tuwang-tuwa.
May batang umiiyak sa loob ng dibdib‚
sumasamong‚ “ikaw ay ako‚ ’wag kang umalis.“
Ngunit ang ngiti niya’y tali ng pasakit‚
at ang titig niya’y hukay ng lamig.
Sa bawat bulong ng walang mukha‚
unti-unti akong nahahatak at nakikilala ang wala.
Ang mga kamay kong nanginginig sa takot‚
ay siya ring humahaplos sa lubid ng lungkot.
Tahimik ang gabi‚ ngunit ako’y maingay.
Ang isip ko’y kulungang walang pintuan‚ walang takas‚ walang saysay.
“Hindi ako baliw‚“ paulit-ulit kong wika.
Habang yakap ko ang dilim sa aking braso’t likha.
At ngayong tahimik ang paligid‚
wala nang boses‚ wala nang tinig.
Ngunit bakit ako’y nakabitay sa tali—
kung hindi ako baliw…
bakit ako’y naririto‚ at sila’y nakangiti?

A
Written by AelyThInks, Insight PH
AelyThInks, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.