Sa tuwing tatanungin ako kung anong pangarap ko, wala akong maisagot. Nananatili lang na nakatikom ang bibig ko. Hindi ko rin alam e. Pakiramdam ko masyadong mababaw ang pangarap ko kumpara sa pangarap nila. May gustong maging doktor, abogado, piloto, artista at marami pang iba. Pero kung ako ang tatanungin? Simple lang naman ang pangarap ko. Gusto kong tumira sa bahay na walang sigawan.
Pangarap ko ang bahay kung saan panatag ang puso kong umuwi pagkatapos ng nakapapagod na araw galing eskuwelahan. Hindi ko kailangang matakot na baka paggising ko, ang unang madatnan ko sa umaga ay ang pagpapalitan nila Mama at Papa ng masasakit na salitang bumabaon sa'king puso. Na hindi ko kailangang magtakip ng mata’t tainga at magsumiksik sa sulok na parang isang tuta kapag nauuwi na sa pisikalan ang bangayan nilang dalawa. ‘Yong hindi ko na kailangang magkulong sa kwarto at taimtim na manalanging hindi ako ang sunod nilang pagbuntunan ng galit sa isa’t isa. At higit sa lahat, yung makatutulog ako nang mahimbing sa bawat gabi nang hindi iniinda ang mga pasa sa katawan at nakatutulugan na lamang ang pag-iyak.
Ginawa ang isang bahay para may mauwian, may masilungan, at para may maging comfort zone. Pero ako, tuwing umuuwi ako, pakiramdam ko mas nakukulong pa ako. Lalo akong napapagod. Hindi ako makahinga. Kahit malaki ang bahay namin, sobrang sikip ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko isa akong presong nakabilanggo sa tanang buhay ko.
Bahay raw ang takbuhan natin kapag pakiramdam mo ay kalaban mo na ang mundo. Pero wala pala sa labas ang kalaban, nasa loob mismo ng aming tahanan. Nakaupo sila sa magkabilang sulok ng lamesa, nakangiti at nagpapanggap na maayos ang kanilang pagsasama sa harap ng iba.
Wala akong ibang magawa kundi ang magtiis pero ipinapangako ko, babawi ako sa batang ako. Susubukan kong ibuhos sa kaniya ang buong pagmamahal na ipinagdamot noon. Gusto kong paghele ang magpatulog sa kaniya at hindi sakit na namayani sa kaniyang puso. Na kumot ang babalot sa'king katawan at hindi mga pasa’t sugat na minsa’y hindi na naghihilom pa. At sinag ng araw ang unang hahalik sa pisngi, hindi ang mabibigat na kamay nila.
Balang araw ay makakatira din ako sa pangarap kong bahay. Kalmado ang lahat, masaya, walang takot na magkamali dahil libre ang pagpapatawad sa bahay na ‘yon. Yung pwede ako maging mahina at magpakatotoo sa sarili ko.
Kaya paulit-ulit man akong tanungin kung ano ang pangarap ko, isa lang ang magiging kasagutan ko.
“Bahay na walang sigawan.”
Simple lang, pero iyon ang pangarap ko.

A
Written by Arianne Jhayne, Insight PH
Arianne Jhayne, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.