“Wawakasan ko ang korapsyon sa Pilipinas.” — isang pangakong tila pilit binubura ang kasaysayang paulit-ulit nang isinisinungaling. Ngunit hanggang kailan tayo magpapasilaw sa mga salitang magaganda sa pandinig, ngunit bulok sa ugat? Naniniwala akong hindi kayang tapusin ng kasalukuyang administrasyon ang korapsyon, sapagkat ito ay dugong namana—hindi pangakong biglaang matutupad. Sa bansang sawang maniwala, bakit parang tayo na rin ang kusa at paulit-ulit na nagpapalinlang? Hindi ko rin alam.
Hindi matatapos ang korapsyon sa ilalim ng pamilyang may ugat dito. Ayon sa ABS-CBN News (Marso 14, 2022), tinanggal nga ng Guinness World Records ang rekord ni Ferdinand Marcos Sr. bilang “record holder of the greatest robbery of a government.” Bago pa man ito binura, nakasaad doon na tinatayang $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang ninakaw mula sa kaban ng bayan. At sigurado, hindi naman siguro lumipad nang mag-isa ang pera — may kamay na nagtabi, may pamilya na kumita. Kaya habang sinasabi ng anak na “wawakasan niya ang korapsyon,” marahil dapat muna niyang ayusin ang maruming bakas ng pangalan nila bago maglinis ng iba.
Sa katunayan, hindi puwedeng burahin ang kasalanan ng nakaraan sa pamamagitan ng bagong plataporma. Ayon sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), mahigit ₱174 bilyon na halaga ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos ang nabawi hanggang 2020. At kung may “nakuha,” ibig sabihin may “nawala.” Simple lang ‘yon. Hindi ito propaganda — ito ay dokumento ng katotohanan. Kaya kung sinasabi ng gobyerno na tapos na ang isyu ng yaman, baka dapat nilang alalahanin na ang pananahimik ay hindi katumbas ng paglilinis ng pangalan.
Dagdag pa, ang mga repormang ipinagmamalaki ng administrasyon ay maganda lang sa papel. Ayon sa Presidential Communications Office, sinimulan daw nila ang digitalization at mas mabilis na auditing upang mapigil ang suhol at red tape. Pero kung ang mga opisyal ay mananatiling may dalawang mukha, kahit pa may digital system, mabilis lang ding made-delete ang katotohanan. Parang nag-upgrade lang ng computer, pero pareho pa rin ang magnanakaw sa harap ng keyboard. Hangga’t hindi lumilinis ang intensyon ng mga lider, walang silbi ang modernong teknolohiya — magiging mas maayos lang ang paraan ng pagnanakaw.
Sa kabilang banda, hindi lahat ng proyekto ay patunay ng malasakit sa bayan. Oo, may mga ayuda at proyektong naipamahagi, lalo noong panahon ng pandemya. Pero huwag tayong mabilis maniwala. Minsan, ang mga proyekto ay pambalot lang ng pansamantalang kabutihan para takpan ang permanenteng katiwalian. Parang nilagyan ng pabango ang bulok na isda — mabango nga, pero bulok pa rin. Kaya’t sa tuwing may ribbon-cutting o press release tungkol sa “pagbabago,” isipin muna kung para ba talaga ito sa mamamayan, o sa imahe ng mga nasa pwesto.
Bukod pa rito, ang tunay na ugat ng korapsyon ay kultura ng paglimot, hindi kakulangan ng batas. Sa bawat eleksyon, paulit-ulit tayong bumoboto ng mga apelyidong may kasalanan sa bayan. Hindi dahil wala tayong alam, kundi dahil nasanay na tayong patawarin ang mga hindi naman nagsisisi. Ang resulta, sila pa rin ang nakaupo, at tayo pa rin ang umaasa. Hangga’t pinipili nating kalimutan ang nakaraan, tayo rin ang nagbibigay ng permiso para ulitin nila ito.
Samakatuwid, hiindi sapat ang pangako — kailangan ng prinsipyo. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, maraming salitang maganda, pero kakaunti ang gawaing matino.Kung totoo ang malasakit sa bayan, dapat ito ay nakikita sa aksyon, hindi lang sa slogan. Kasi kung salita lang ang batayan, matagal na sanang malinis ang gobyerno. Ang katotohanan, hindi natin kailangan ng magaling magsalita — kailangan natin ng lider na marunong mahiya.
Gayunpaman, ang solusyon sa katiwalian ay nasa kamay ng mamamayan, hindi sa palasyo. Kapag tayo mismo ang humihingi ng hustisya, may takot silang mandaya. Pero kapag tayo’y tahimik, sila’y nagdiriwang. Hindi natin kailangang maging makapangyarihan para lumaban — sapat na ang maging mulat. Kung kaya, panahon na para pumili ng lider na may prinsipyo, hindi dahil sa 20 pesos na bigas. Sapagkat ang pagbabago ay hindi nagsisimula sa Malacañang — nagsisimula ito sa mamamayang hindi na nagpapasilaw.
Hangga’t pumapayag tayo sa magagandang salita at hindi naninindigan sa prinsipyo, ang pangako ay mananatiling bulong sa hangin — nakabibighaning pakinggan, ngunit walang laman. Kaya sa huli, hindi pangako ang dapat nating asahan, kundi ang aksyon ng mamamayan mismo. Kung gusto nating wakasan ang korapsyon, simulan sa sariling kilos at paninindigan. Tandaan, ang pagbabago ay hindi sa salita, kundi sa ating matalinong pagpili — at iyon lang ang tunay na magdadala ng tunog musika sa likod ng mga nakabibinging pangako.

Y
Written by Ysha De Paz Olarte, Insight PH
Ysha De Paz Olarte, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.