Puno ng mabuting intensyon ang bagong kautusan na inilahad ng DOTr Acting Secretary, ngunit ito ay isang hakbang na paimbabaw at malayo sa pangangailangan ng matinding solusyon. Kamakailan lang noong Septyembre 15, 2025, inobliga ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary, Giovanni Lopez, ang mga opisyal ng road and rail sectors na gumamit ng pampublikong transportasyon isang beses kada linggo, papuntang opisina upang personal na makita ang problema ng mga commuter. Layunin nitong makapag-submit ng lingguhang ulat na dapat ay naglalaman ng obserbasyon, rekomendasyon, at patunay ng pagsunod sa kautusan. Subalit, sapat ba ito na solusyon para sa problema na kinakaharap ng mga commuter o isang eksenang gobyerno para pagtakpan ang bulok nilang pamamalakad?
Kung iyong oobserbahin, ang lingguhang pagsakay ay isa lamang “P. R. Stunt” o paimbabaw na solusyon na hindi lulutas sa malalim at matagal nang problema ng trapiko. Sapat ba ang isang beses sa isang linggo para tunay na maunawaan ang paghihirap ng komyuter na araw-araw nakakaranas ng matinding abala? Hindi ba't mas epektibo ang pangmatagalang pagpaplano ng imprastraktura kaysa sa pansamantalang pakikisakay? Bukod pa rito, may posibilidad na ang pagsakay ng opisyal ay maging isang “show” lamang — may maayos na ruta, maluwag ang sasakyan, at siguradong hindi sila mahihirapan. Kung ganito ang pamamaraan, paano nila mararanasan ang tunay na kalbaryo ng trapiko, siksikan, at pagkaantala?
Ayon sa datos mula sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Manila ay may average na 845,000 na pasahero sa mga pampasaherong tren at bus bawat araw. Hindi lamang sila ang naghihirap sa sistema ng pamamalakad sa transportasyon kundi pati na rin ang kanilang mga pamilyang umaasa sa kanila at mga naghihintay na pangarap. Ang problemang ito ay isang hadlang sa pag-usbong ng ating bansa kung kaya't kinakailangan natin ang tamang solusyon na siguradong matutugunan ang dilemmang ito.
Hindi praktikal ang pag-aalsa sa personal na karanasan ng opisyal, at maaaring magdulot pa ito ng pagkaantala sa mas mahalagang trabaho. Hindi tayo sigurado kung magreresulta ba ng tunay na pagbabago ang nabuo nilang obserbasyon o baka madadagdagan lamang ito sa mga nakabinhing ulat sa opisina. Ang oras na ginugol sa pagko-commute ay oras na hindi ginagamit sa paggawa ng desisyon, pag-aaral ng proyekto, o pagresolba ng matinding isyu. Pwede namang uutos na lamang ng tao o kaya'y pagbabasehan ang personal na karanasan at pagsubok ng mga commuter. Meron namang mga datos, pag-aaral, at komute na maaaring gawin para malaman ang problema ng komyuter.
Isang rason ng pagiging malayo nito sa solusyon na ating tinatamasa ay dahil ang karanasan ng isang opisyal ay hindi pareho ng karanasan ng karaniwang komyuter. Kapag nakilala ang opisyal sa pampublikong sasakyan, posibleng mababago ang pagtrato sa kanya ng driver, konduktor, o kapwa-pasahero, at meron ng special treatment na mangyari kaya malabo na maranasan niya ang pagsubok at paghihirap na haharapin ng mga pasahero.
Nakakasiguro ba tayong tunay ang kanilang motibo at hindi para lang sa dokumentasyon at larawan para matakpan ang kapalpakan ng kanilang pamamahala? Ano kayang susunod pagkatapos nilang gawin ito? Maghihintay na naman tayo sa wala. Hindi sapat ang pag-unawa at pag-diskubre sa problema na ating nararanasan, kinakailangan natin ang aksyon kaagad-agad. Inisyatiba na dapat 'yan ng opisyal na solusyonan ang problema na kinakaharap ng taumbayan, hindi 'yung sasayangin niya ang kanyang oras sa pag-diskubre at unawa sa problema na kinakaharap ng karamihan ngunit ang tunay na intensyon ay para lamang sa medya.
Bagaman maraming mabuting epekto at mabuting intensyon ang kautusang ito, hindi pa rin ito sapat na solusyon para matugunan ang madilim na karanasan ng mga komyuter at drayber. Aksyon at tunay na solusyon ang higit na kailangan at hindi pagpapanggap sa medya.
Sinimulan na ang pagbabago sa pamamagitan ng kautusan ng DOTr para sa problema sa larangan ng transportasyon, ngunit dapat pa itong pagtibayin at palawakin pa upang hindi maimpluwensiyahan ng mga pamumulitika at iba pang mga masamang intensyon; dahil sa katunayan, ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan ang tunay na layunin ng mga nanunungkulan. Matibay na solusyon ang ating kinakailangan para malutas ang suliranin na kinakaharap ng komyuter.
Ang utos ng DOTr Acting Secretary ay isang mabuting hakbang, ngunit isang hamon sa mga opisyales sa paggawa nito na may dalisay na intensyon at mabuting motibo. Walang saysay ang pagsakay sa pampublikong transportasyon kung ang tunay na kadiliman na kinakaharap ng mga Pilipino ay hindi maunawaan at matugunan. Nawa'y bigyan na ito ng agarang solusyon ng gobyerno na layunin ay ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga komyuter. Hindi natin kailangan ng mga opisyal na umaarte bilang komyuter kundi mga lider na tunay na gumagawa ng pagbabago.

N
Written by Niña Lyan D. Romo (Mahiwagang Pluma), Insight PH
Niña Lyan D. Romo (Mahiwagang Pluma), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.