Inihahanda na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang magiging kulungan ng mga sangkot sa anomalya ng flood control. Sa kamang ito na tutulugan ng mga politikon at makapangyarihan na sangkot sa anomalya ay malamang na hindi nila mararanasan ang dilim na dulot ng rehas—kung papaano magdusa ang mga may sala.
Sa mga nakaraang buwan, ang mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa mga anomalous ng flood control project. Maraming pangalan ang binitawan; mga kontraktor at tanyag na pangalan sa pulitika. Sa oras na napatunayan na sila ay may sala sa anomalya ay kulungan ang hantungan. Ngunit hindi ang kulungang pangkaraniwan, kundi kulungang kakaiba–hiwalay sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan na hinatulan ng Korte Suprema, malilinis na pader, at maaliwalas na espasyo na hindi katulad ng bilibid sa Maynila na maruming silid at siksikan sa loob ng rehas. Sa paanong paraan nila mararanasan ang paghihirap? Ang pagsisisi?
Paano na lamang ang mga mamamayang wala namang sala na naghihirap sa mga kalupitan ng mga sakim na politiko na sila ang dapat magdusa?
Katulad ng mga magsasaka, sa kanilang pagsasaka ay hindi madali—mahal na abono, palay, at mga gamot para pangalagaan ang kanilang pananim. Sa mga bilihing ito ay nakatago ang mga buwis na hindi nila namamalayang binabayaran. Katulad ng aking ama—isang magsasaka na gumagastos ng P22,00 sa isang hektarya. Sa libo-libong pisong iyon ay malaki ang buwis na kaniyang binabayaran. Kapag aanihin na ang palay na tinanim ay nakadepende rin sa presyo ng palay—at kung pumalo sa sampung piso ang presyo ay mas mababa pa ang kita kumpara sa ginastos sa pagtatanim. Biruin niyo, maghapong nakayuko ang mga magsasaka at sa ilalim pa ng matirik na araw, kapag uupo ay minsan lang, at sa gabi ay hindi pa mahimbing ang tulog dahil iniisip kung paano ang palay, ang ani, at ang kita. Ngunit hindi nila namamalayan na biktima na pala sila ng korapsyon. Ngunit ang mga korap, lantaran ang kanilang pagnanakaw—nakaupo lamang sa opisina na bilyon ang kinikita, hindi maranasang yumuko upang magtanim, at may silong pa para maiwasan ang init ng araw.
Bago pa makalimutan ng lahat, Department of Public Works and Highways (DPWH) ang humahawak sa pagpapatayo ng mga mga silid at humawak din sa flood control project. Kasunod ng mga anomalya sa flood control ay ang 22 na mga classroom lang na naipatayo sa taon na ito na inaasahang 1,700 ang dapat na maipatayo bago matapos ang taon. Hindi lamang ang mga magsasaka ang nagdurusa sa kahayupan ng mga sakim na makapangyarihan, kundi ay pati na rin ang mga kabataang hawak ang pag-asa ng bayan. Sabi nga nila, “edukasyon ang susi sa kahirapan,” ngunit dahil patuloy na pinagkakaitan ang mga kabataan sa dekalidad na edukasyon ay kahit kailan hindi magiging susi ang edukasyon sa kahirapan—kundi wakasan ang korapsyon para lumago ang bayan.
Walang mahirap kung walang kurap.
Ayon sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) poverty incidence ng bansa ay humigit 15 milyong Pilipino ang naitalang mahihirap. Ganito karaming Pilipino ang nakakaranas ng hagupit ng korapsyon, ngunit mapag-aalaman lamang na ang kulungang nakahanda para sa kanila ay hindi nababagay sa kahayupan nila. Sa halip na katarungan ang ibigay ay insulto lamang ito sa mga biktima ng korapsyon.
Mula sa mga magsasaka, sa mga mag-aaral na napagkakaitan ng dekalidad na edukasyon, at sa mga mamamayang nasa laylayan ng ekonomiya ay iisa ang nararanasan—kahirapan at biktima ng korapsyon.
Ito na ba ang tunay na aksyon ng gobyerno para sa mga pinaggagawa ng mga sakim na politiko at makapangyarihan? Ano pa nga ba ang tunay na esensya ng kulungan at pananagutan kung hindi naman nila mararanasan ang tunay na pagdurusa?
Dahil sa halip na pananagutan ay kamangmangan na lamang sa mga kahayupang ginawa nila sa mga mamamayan—ang dulot ng hihigaang kama ng mga korap na politiko at makapangyarihan.

J
Written by John Paul Taberna (Read_tag), Insight PH
John Paul Taberna (Read_tag), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.