Gustong-gusto nating mga Pilipino ang pagbabago; sino nga ba naman ang hindi naghahangad nito? Lahat tayo'y nagnanais ng magandang buhay at makatamasa ng ginhawa para sa ating mga sarili at maging sa ating paligid. Subalit, naisip niyo ba na hindi lahat ng progreso ay nakabubuti at hindi lahat ay nakasasabay rito? Magiging kaaya-aya pa kaya ang pag-unlad kung mayroong natatapakan at mayroong naiiwan?
Sa patuloy na pagnanais ng pag-unlad, hindi na namamalayan ng iba na mayroon na palang napipinsala. Akala natin ay makabubuti, iyon pala ay isang malaking dagok para sa iba. Ang pagpapatayo ng mga imprastraktura, pagyakap sa makabagong teknolohiya, pagpapaunlad sa kalunsuran at iba pa, madalas na naisasantabi nito ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Gaya na lamang ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa mga paaralan. Plano ng pamahalaan ang palakasin ang internet connectivity sa mga eskwelahan dahil usong-uso na ngayon ang mga e-learning materials, educational videos at iba pa. Ngunit, hindi lahat ng mga paaralan ay may mabilis na koneksyon lalong-lalo na sa mga liblib na lugar. Ayon sa datos na inilabas noong 2022 ng Department of Information and Communications Technology, nasa 1.8% lamang sa 47,421 na pampublikong paaralan sa buong bansa ang may access sa libreng Wi-Fi, na may malaking pagkakaiba sa kalidad at bilis ng koneksyon.
Dagdag pa rito, ang pagpapatupad din ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, layunin nitong palitan ang mga tradisyonal na dyip ng mas ligtas, maayos at hindi nakakasama sa kalikasan. Ang programang ito ay nagbigay ng perwisyo sa mga tsuper sapagkat hindi ito abot-kaya dahil umaabot ng P1.4 milyon hanggang P3 milyon ang presyo ng isang modernong dyip, batay sa Department of Transportation, at gayundin ay natatapakan nito ang pagkakakilanlan ng ating bayan dahil alam naman natin na ang dyip — hari ng kalsada — ay nakaukit na sa kultura at sining ng ating bansa.
Sa kabilang dako naman, ang pagsasagawa ng reklamasyon sa Manila Bay para sa pag-unlad ng urbanisasyon na maaaring may alalahaning epekto ito sa ekosistema ng dagat at pati na rin sa kabuhayan ng mga mangingisda. Isa itong banta sa yamang-tubig ng Manila Bay at gayundin sa komunidad na ninirahan malapit dito.
Gayunpaman, nakapanlulumong isipin na minsan ang paghahangad natin ng kaunlaran ay mayroong mga taong naiipit, maraming naiiwan at hindi makasabay sa pagtamasa ng maginhawang buhay. Hindi madali ang mag-isip ng solusyon para rito, pero sana naman ay huwag kalimutan ang mga kapuwa natin Pilipino. Hindi naman kaaya-aya na habang mayroong umaangat ay may naiiwan sa ibaba.
Kaya naman, palagi nating pakatatandaan na ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat sa matayog na mga gusali, mabilis na koneksyon ng internet o magagarang modernong transportasyon, kundi kung paano maiaangat ang pamumuhay ng bawat isa nang sama-sama. Nararapat lang na ang hakbang tungo sa kaunlaran ay maging inklusibo at makatarungan sa lahat, sapagkat ang tunay na progreso ay walang naiiwan.

C
Written by Christer G. Boralo, Insight PH
Christer G. Boralo, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.