Ang halalan ay sumasalamin sa kalayaan ng bansa at boses ng taumbayan—patas at malinis. Ngunit paano kung ang mismong kumpanyang humahawak ng makinarya para sa botohan ay ngayo’y inaakusahan na sangkot sa katiwalian?
Kamakailan lang, pumutok ang balita tungkol sa Smartmatic, isang kumpanyang inaakusahan ng US Department of Justice na sangkot sa katiwalian sa iba’t ibang bansa. Kabilang dito ang Pilipinas na iniimbestigahan kaugnay ng umano’y paggamit ng “slush funds” mula sa kontratang nagkakahalaga ng $282 milyon sa Los Angeles County. Ang sobrang nakolektang pondo, imbes na ibalik, ay naging kasangkapan upang suhulan ang ilang opisyal sa ating bansa.
Kung ito’y mapatutunayan, malinaw na repleksiyon lamang ito ng talamak na problema sa korapsyon ng bansa—isa itong malalim na sugat na pinadudugo ang imahe ng Pilipinas. Dahil kung ang mismong halalan—na dapat ay simbolo ng patas at malinis na laban—ay nagiging bukas na pintuan sa katiwalian, saan pa ilulugar ang tiwala ng taumbayan?
Masakit isipin na habang ang bayan ay naghihirap dahil sa korapsyon, ang halalan ay nagiging pagkakataon upang magpasuhol at manuhol. Ang dapat na proseso ng transparency at accountability ay nagmistulang ilusyon na lamang.
Habang patuloy ang pandarambong at pagnanakaw sa kaban ng bayan, tila walang pakialam ang mga sangkot sa hirap na kinahaharap ng sambayanan. Ang tanging iniintindi nila ay kung paano sila makikinabang, hindi kung paano sila makapaglilingkod.
Hindi ikamamatay ng bawat Pilipino ang maging mapanuri. Hindi sapat na bumoto lang—kailangan din nating tingnan ang rekord ng mga kandidatong tumatakbo. Kailangang itanong: may makikinabang ba bukod sa kanila sa ating boto?
Sapagkat sa bawat boto na ibinibigay natin, kinabukasan at pera ng bayan ang nakataya. Sa bawat suhol na tinatanggap ng mga kurakot, ang kinabukasan ng bansa ang ipinagkakanulo at nilalagay ito sa peligro.
Sa huli, ang balota ay hindi puhunan—ito ay karapatan. Ang bawat botong binibili ay sugat sa demokrasya at dagdag na lakas sa siklo ng korapsyon. Hangga’t may ganitong pangyayari sa ating bansa, hindi kailanman magiging patas ang laban.
Via Roger Palomaria Jr., Insight PH

R
Written by Roger Palomaria Jr., Insight PH
Roger Palomaria Jr., Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.