EDITORYAL | Alay sa Kalayaan

I

Insight PH

Author

3 min readSeptember 27, 2025
EDITORYAL | Alay sa Kalayaan
Alipin sa sariling bayan ang mga Pilipinong tuluyang kumakawala mula sa gapos ng katiwalian. Sa unti-unting pagbalik ng boses at diwa sa puso ng mga mamamayan– sumasabay ang pag-alab ng modernong rebolusyon. Ngunit, lahat ng bagay ay may kapalit.

Libo-libong boses ng mga Pilipino ang bumalot sa Luneta kahapon, ika-21 ng Setyembre nang magprotesta kontra korapsiyon at manawagan para sa panawagan mula sa pamahalaan. Dulot ng mga anomalya sa mga ghost flood control projects sa mga lungsod, nagsama-sama ang masa upang sugpuin ang mga katiwalian na nagaganap sa loob ng gobyerno. Bawat sigaw, mas nagliliyab ang apoy ng pagka-Pilipino sa kanilang puso.

Sa inilaang humigit kumulang P545 bilyon para sa pagsasagawa ng 9,855 na flood control projects, lubos na nagalit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang malamang hindi nagagawa o natatapos ang mga ito. Habang ang mamamayan ay taunang nagpapakahirap sa baha, hindi na resiliency ang tawag sa kanilang katatagan– survival na lamang ito. Ang pribilehiyong tinatamasa ng mga nakatataas ay ninakaw mula sa mismong palad ng mga mamamayan.

Karapatan ng masang manawagan para sa pananagutan, ang kanilang isinagawang protesta ay hindi simbolo ng pag-aaklas o rebelyon. Ang pagtitipon ng mga Pilipino sa lahat ng antas maging mayaman, mahirap, artista, o mga nasa relihiyosong katayuan ay sapat na upang kumatawan sa buong bayan. Sa bayan na malaya mang ituring, dahan-dahan namang hinuhukay ang sariling libingan sa bawat segundong pananahimik.

Kaya naman, sa kabila ng init at kapaguran sa paglalakad, ang humigit kumulang 80,000 katao na nasa protesta ng ‘Baha sa Luneta’ ay nanatili hanggang sila ay makatungo sa Mendiola. Ang ibang kasapi ay dumiretso sa EDSA People Power Monument sa Quezon City upang dumalo sa Trillion Peso March. Isinaad ni Bayan President, Renato Reyes na hindi ito ang huling beses na magtitipon ang mga Pilipino para sa iisang layunin.

Gayunpaman, hindi nabubuo ang salitang kalayaan kung wala ang alay. Kapalit ng pagkontra sa katiwalian, ang mga inosente ay nadadawit. Tulad ng naganap sa Mendiola kung saan 113 rallyista ang arestado habang isa ang sawi batay sa ulat ng Manila Police District. Higit pa rito, 17 katao ang inaresto sa Ayala Bridge dahil sa kanilang pagsunog sa trak na nakasagabal sa daanan. Para sa iba pang mga karumal-dumal na aktong nangyari sa dilim, nakapanlulumo na ang mga Pilipino ang nananaig sa kababayan.

Sa kabuuan, ang pagsasawa ng protesta ay hindi palusot upang magkulong at maging bayolente kontra sa kapwa. Kung magsasawa ng mga pangmawalakang protesta, siguraduhing protektado ang bawat isa. Hindi man ito tiyak, subalit, ito ang paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa pook. Tandaan, sa dulo ng lahat ng ito, pare-parehas ang dugong dumadaloy sa kayumangging mga balat.
Sa ilalim ng dilaw, pula, o alinmang kulay na sinusuot– ang balat at puso ng Pilipino ay hindi kailanman mapapalitan. Ang watawat ng Pilipinas ay mananatiling nakatayo, kasabay ang tunay na kalayaang inalayan ng dugo’t pawis.
I

Written by Insight PH

Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Editorial

IInsight PH

EDITORIAL | When Power Questions the Pen That Questions Power

The Vice President continues to do things that further disappoint Filipinos. Like her recent remarks on the quality of journalism in the Philippine...

21 days ago 2 min read
IInsight PH

SPORTS EDITORIAL | The Price of Imported Power

The Philippines is a basketball-crazy nation that lacks one thing: homegrown elite big men. While imports and foreign student-athletes (FSAs) bring...

1 month ago 2 min read
IInsight PH

EDITORIAL | Rheotic Risks War

Threats lead not to resolution, but to a catalyst for further destruction.In moments of geopolitical tension, inflammatory rhetoric and rigi...

4 months ago 3 min read
Explore all Editorial articles