SPORTS | Team Heart naungusan Team Hustle sa four-set thriller; Belen, hinirang na All-Star MVP

R

Rex Neil Falogme, Insight PH

Author

2 min readMay 3, 2026
SPORTS | Team Heart naungusan Team Hustle sa four-set thriller; Belen, hinirang na All-Star MVP

Namayagpag si Bella Belen matapos pangunahan ang Team Heart sa 25-18, 18-25, 25-23, 25-17 na tagumpay kontra Team Hustle sa 2026 Premier Volleyball League All-Star Game noong Mayo 1 sa Candon City Arena.

Kasunod ng pagkilala bilang Rookie of the Year sa All-Filipino Conference, patuloy na pinatutunayan ni Belen ang kaniyang kinang sa pamamagitan ng isang standout performance sa kaniyang unang All-Star appearance, na nagbigay-daan upang maangkin ang Most Valuable Player trophy.

Nagpalitan ng panalo ang dalawang koponan sa unang dalawang set bago muling nakaabante ang Heart matapos makuha ang ikatlong frame para sa 2-1 kalamangan.

Dala ang momentum, tuloy-tuloy ang pananalasa ng Team Heart matapos nilang magtala ng 11–1 run laban sa Hustle sa pagbubukas ng fourth set, sa pangunguna nina Belen, Alyssa Valdez, Jia De Guzman, at Myla Pablo.

Sumubok na makahabol ang Team Hustle at naibaba ang kalamangan sa lima, 9–14, matapos ang isang quick attack mula kay Bea De Leon, subalit agad ding nakasagot ang Heart squad at tuluyang narating ang 20-point mark matapos makalusot ang atake ni Vanie Gandler.

Hindi na muling lumingon ang Team Heart at tuluyang inangkin ang match point, 24-17, matapos ang isang successful attack mula kay Myla Pablo, na agad sinundan ng isa pang puntos mula sa kanilang side upang selyuhan ang panalo.

R

Written by Rex Neil Falogme, Insight PH

Rex Neil Falogme, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles