SPORTS | Nxled nalampasan ang ikalawang set kontra Capital1, nanatiling undefeated

J

Janette Cendaña, Insight PH

Author

1 min readFebruary 9, 2026
SPORTS | Nxled nalampasan ang ikalawang set kontra Capital1, nanatiling undefeated

Nakaraos ang Nxled Chameleons sa mahigpit na ikalawang set para sa 3-0 (25-18, 28-26, 25-18) panalo laban sa Capital1 Solar Spikers na nagbigay sa kanila ng ikalawang sunod na panalo sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference nitong Pebrero 7 sa Ynares Center Montalban.

Pinangunahan nina Brooke Van Sickle at Myla Pablo ang Chameleons na parehong umiskor ng 15 puntos para i-angat ang koponan sa tuktok ng standings na may 2-0 record kasama ang Cignal.

Mula umpisa ng laro, bantay-sarado ang Chameleons sa Solar Spikers para tiyakin na mabilis nila itong mapipigilan.

Naitabla ang iskor, 11-all, sa ikatlong set bago magbigay si Myla Pablo ng tatlong puntos na kalamangan para sa Nxled, 16-13.

Sa pagtatapos ng laro, tuluyang lumayo ang Chameleons sa pagtala nila ng 7-3 run para maabot ang kanilang pinakamalaking kalamangan na pitong puntos.

Tatangakaing patalsikin ng Nxled ang Cignal sa rurok ng standings sa susunod na Sabado, Pebrero 14, sa Ynares Center Antipolo, habang ang Capital1 ay makakalaban ang PLDT upang makabalik sa landas sa Huwebes, Pebrero 12, sa FilOil Center sa San Juan.

J

Written by Janette Cendaña, Insight PH

Janette Cendaña, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

vvia John Benedict Silverio, Insight PH

Gilas turns red-hot from three late to keep Asiad title defense alive

Gilas turns red-hot from three late to keep Asiad title defense aliveIt looked like a Gilas Pilipinas shooting drill...

1 month ago• 3 min read
JJueben Jake Palima, Insight PH

SPORTS | Oftana’s 31 not enough as Gilas falls short vs Bahrain in Asiad opener

A last-minute inclusion almost became Gilas Pilipinas’ last-minute solution.But against the towering bigs of Bahrain, they nee...

1 month ago• 2 min read
JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

2 months ago• 2 min read
Explore all Sports articles