SPORTS | Foxies nilaglag Chameleons; kinubra makasaysayang PVL semis tiket

R

Rex Neil Falogme, Insight PH

Author

1 min readApril 8, 2026
SPORTS | Foxies nilaglag Chameleons; kinubra makasaysayang PVL semis tiket

Magmamartsa sa kanilang kauna-unahang Final Four appearance ang Farm Fresh Foxies matapos walisin ang Nxled Chameleons, 25-17, 25-20, 25-19, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference play-in tournament, ika-7 ng Abril sa FilOil Center sa San Juan.

Matapos makuha ang momentum sa opening frame, hindi na muling lumingon ang Foxies at tuluyang sinelyuhan ang laban sa dalawa pang sumunod na set.

Sinandalan ng Farm Fresh ang opensiba nina Trisha Tubo na nagtala ng 12 puntos at Ces Molina na may 10 puntos kasama ang 11 excellent receptions.

Parehong naging dominante ang panimula ng Foxies sa dalawang naunang set subalit nag-iba ang ihip ng hangin sa ikatlo matapos makuha ng Chameleons ang maagang 8-6 kalamangan.

Ngunit, agaran itong binura ng Farm Fresh matapos magbomba ng 10-1 run tampok ang kill ni Tubo na nagdala sa kanila sa 16-9 na iskor.

Nagpatuloy ang magandang atake ng Foxies kung saan ay naglista ulit si Tubo ng back-to-back kills para sa 23-17 na kalamangan.

Sinundan pa ito ng dalawa pang kill mula kay Royse Tubino na siyang tuluyang tumapos sa kampanya ng Nxled.

Pinangunahan naman ni Brooke Van Sickle ang Chameleons sa likod ng kaniyang 13 puntos at 11 excellent receptions, habang si MJ Phillips naman ay may 11 puntos.

R

Written by Rex Neil Falogme, Insight PH

Rex Neil Falogme, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles