SPORTS | Creamline balik finals matapos pabagsakin Farm Fresh

R

Rex Neil Falogme, Insight PH

Author

2 min readApril 17, 2026
SPORTS | Creamline balik finals matapos pabagsakin Farm Fresh

Natuldukan ng Creamline Cool Smashers ang kanilang three-tournament finals drought matapos kalusin ang Farm Fresh Foxies, 3-1, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference round-robin semifinals nitong ika-16 ng Abril sa Filoil Centre.

Tabla sa 1-all, nalusutan ng Cool Smashers ang Foxies sa dikdikang third at fourth set upang maibagahe ang 25-23, 14-25, 25-23, 25-19 tagumpay at makapagmartsa sa kanilang ika-15 na overall PVL Finals appearance.

Nanguna para sa opensiba ng Creamline si Tots Carlos matapos maglista ng 15 puntos, kasama ang 14 excellent receptions.

Matapos makatikim ng isang lopsided loss sa second set, nagawang makabangon ng Cool Smashers sa sumunod na frame para maitarak ang 2-1 bentahe.

Isang panalo na lang para sa inaasam na finals comeback, hindi na nagpatinag ang Creamline at nagawang makapagtatag ng 23-19 kalamangan sa fourth set matapos ang isang quick kill ni Pangs Panaga.

Sinundan pa ito ng dalawang magkasunod na error mula kay Trisha Tubu na siyang tuluyang naghatid sa Cool Smashers pabalik ng finals.

Nagtapos si Panaga na may 13 puntos para sa Creamline habang nag-ambag naman ng 11 si Jema Galanza.

Para naman sa Farm Fresh, nagrehistro si Tubu ng 14 puntos na sinundan ng 11 ni Ces Molina.

Dahil sa panalo, haharapin ng Cool Smashers ang Cignal Super Spikers sa isang best-of-three title series na magsisimula ngayong Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kabilang banda, susubukan namang makuha ng Foxies ang unang podium finish sa kanilang franchise history laban sa PLDT High Speed Hitters.

R

Written by Rex Neil Falogme, Insight PH

Rex Neil Falogme, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles