SEA GAMES 2025 | Cambodia umatras sa 33rd SEA Games; hidwaan kontra Thailand, dinahilan

Opisyal nang umurong ang Cambodia sa 33rd Southeast Asian Games (SEA) Games dahil sa namumuong alitan tungkol sa agawan ng teritoryo kontra Thailand na binigyang-diin ng mga pamilya ng atleta bilang isang ‘serious concern.’

Y

Yahney Sabado, Insight PH

Author

3 min readDecember 11, 2025
SEA GAMES 2025 | Cambodia umatras sa 33rd SEA Games; hidwaan kontra Thailand, dinahilan

Opisyal nang umurong ang Cambodia sa 33rd Southeast Asian Games (SEA) Games dahil sa namumuong alitan tungkol sa agawan ng teritoryo kontra Thailand na binigyang-diin ng mga pamilya ng atleta bilang isang ‘serious concern.’

Nagsulat si Vath Chamroeun, Secretary General ng National Olympic Committee of Cambodia (NOCC), kay Chaiyapak Siriwat, Chief General ng SEA Games Federation, tungkol sa pangyayari.

“I regret to inform you that, due to serious concerns and requests from the families of our athletes to have their relatives return home immediately, NOCC must withdraw all of our delegation and arrange for their prompt return to Cambodia for safety reasons,” isinulat ni Chamroeun.

[“Ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na, dahil sa malubhang pag-aalala at kahilingan mula sa mga pamilya ng aming mga atleta na maibalik kaagad ang kanilang mga kamag-anak sa tahanan, kinakailangang bawiin ng NOCC ang lahat ng aming delegasyon at ayusin ang kanilang agarang pagbabalik sa Cambodia para sa mga kadahilanang pangkaligtasan”]

Sumiklab ang labanan sa pagitan ng Thailand at Cambodia nitong Lunes, Disyembre 8, ang pangalawang malaking pagtatalo sa pagitan nila ngayong taon, na sumira sa matibay na kasunduang pinagitnaan ni US Pangulong Donald Trump noong Hulyo.

Daang-daang libong tao ang napilitang lumikas dahil sa matitinding pagpapasabog ng kanyon mula sa magkabilang panig at air strike ng mga Thai fighter jet.

Sinasabi ng mga opisyal na hindi bababa sa 14 katao ang napatay at 88 ang nasugatan sa mga sagupaan ngayong linggo.

Ayon sa ulat, planong magpadala ng Cambodia ng delegasyon na mahigit 1,500 miyembro ngayong taon matapos nilang pag-host ang nakaraang SEA Games noong 2023 at nagtapos sa ika-apat na pwesto na may kabuuang medal haul na 81 na ginto 74 na pilak at 127 na tanso.

Ngunit malaki ang pagpapababa ng bilang na ito matapos suspindihin ng Thailand noong nakaraang buwan ang mga hakbang tungo sa kapayapaan na pinagkasunduan sa isang summit noong Oktubre sa presensya ni Trump, matapos masugatan ang isa sa kanilang sundalo sa isang landmine.

Sa huli, pinaikli ng Cambodia ang kanilang delegasyon sa kaunti lamang mahigit 100 atleta, at ilan sa kanila ay nakibahagi sa opening ceremony sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok nitong Martes, Disyembre 9.

“This decision was not made lightly, we apologize for any inconvenience this early departure may cause and remain grateful for your understanding and support.” dagdag pa ni Chamroeun.

[“Ang desisyong ito ay hindi ginawa ng pabigla-bigla. Humihingi kami ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot ng maagang pag-alis na ito at nananatiling nagpapasalamat sa inyong pag-unawa at suporta.” dagdag pa ni Chamroeun]

Dahil wala na ang Cambodia, sampung bansa na lamang ang maglalaban-laban sa dalawang linggong paligsahan na tatagal hanggang Disyembre 20.

Y

Written by Yahney Sabado, Insight PH

Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles