SCITECH | Dambuhalang Huli: Latak ng Rocket sa may Markang Tsina, Natagpuan sa Sulu

M

Mihaela A. Amistoso, Insight PH

Author

2 min readFebruary 26, 2026
SCITECH | Dambuhalang Huli: Latak ng Rocket sa may Markang Tsina, Natagpuan sa Sulu

Dinala sa pangpang ng isang mangingisda ang di umanong latak ng 'rocket' na may ukit ng pambansang watawat ng Tsina sa Barangay Suang Bunah, Pangutaran, Sulu, noong Disyembre 30, 2025.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nakikipag-ugnayan ang Coast Guard Station Western Sulu para sa posibleng paglipat ng nakuhang latak, nang maisaayos ang pangangasiwa at disposisyon.

Wala pang naitalang detalye kung saan ang eksaktong pinanggalingan nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa rin ng Barangay Suang Bunah ang narekober na parte.

Inaanyayahan naman ng PCG na manatiling alerto at agad na ireport kung sakaling may matatagpuan pa na ibang parte, o kahina-hinalang bagay na makita sa karagatan ang publiko.

Sa sitwasyon na mayroong matagpuan, may paalala rin na huwag lapitan o hawakan, upang makaiwas sa posibleng panganib sa kalusugan. Ilan sa posibleng dahilan ng panganib ay ang mataas na lebel ng kemikal mula sa residual fuel ng isang raketa. Isa sa mga pinaka-toxic na kemikal ay ang hydrazine na hinaluan ng hydrogen peroxide (HP).

Kung paulit-ulit na ma-expose sa mga kemikal na ito, malaki ang posibilidad na masira ang genetic material katulad ng DNA o chromosome, ng isang tao. Ang kombinasyon ng hydrazine at HP ay itinuturing animal carcinogens, o nakapagdudulot o nakapagpapataas ng posibilidad ng kanser sa mga hayop.

Kasalukuyan namang pinag-aaralan ang pagiging human carcinogen ng hydrazine.

M

Written by Mihaela A. Amistoso, Insight PH

Mihaela A. Amistoso, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Science and Technology

King Razon, Insight PH

SCITECH | Science for the people: DOST Siyensikat to-air ninth season

When technology graces one’s newsfeed in various social media pages and platforms, it’s not easy to understand nor comprehend everything about ever...

25 days ago• 3 min read
Akeisha Bless Urgel, Insight PH

SCITECH | When Screens Pull the Trigger

A game can end with a restart button. Outside the screen, violence leaves consequences that simply cannot be reset.In the Philippines, two s...

26 days ago• 4 min read
EEarl Matthew, Insight PH

SCITECH FEATURE | Life Offered to Death in Exchange for Sustenance

On the surface below the shores of Southern Leyte’s Panaon Island, lies secretively public operations that could be deemed as a life offered to dea...

1 month ago• 4 min read
Explore all Science and Technology articles