SCITECH | Aim High, Eat Right Nutrisyon at Kababaihan, Haligi ng Philippine Space Technology

H

Haziel Diezmos, Insight PH

Author

2 min readApril 6, 2026
SCITECH | Aim High, Eat Right Nutrisyon at Kababaihan, Haligi ng Philippine Space Technology

Sa mundo ng space technology na dominado ng kalalakihan, isinusulong ni Philippine Space Agency (PhilSA) Director Gay Jane Perez ang laban ng kababaihan habang tinutuklas kung paano mabubuhay ang tao sa kalawakan base sa kanilang kinakain.

Itinatak niya na dapat “maipagmamalaki natin ang sariling atin” patungkol sa kakayahan ng mga Pilipinong scientist.

Hindi madali ang landas na tinatahak ng kababaihan sa agham, patunay mismo ang pagbuo ng Diwata-1 microsatellite, proyektong kinabibilangan ni Perez.

“Out of the five projects na ‘yon, ako lang yung nag-iisang babae na project leader. 1 out of 9 yung babaeng engineers sa paggawa ng Diwata,” pagbabahagi niya.

Itinuturo niya ito bilang “daily advocacy,” panawagan upang mas marami pa ang women scientists sa bansa.

Lakas sa Lasa

Hindi lamang teknolohiya ang sinusubok sa space missions kundi pati ang kakayahan ng katawan ng tao na mabuhay sa kakaibang kondisyon.

Mahalaga ang mga pagkaing siksik sa nutrisyon sa kalawakan upang mapanatili ang lakas ng astronaut.

“For space, kailangan high-protein diet yung binibigay sa ating mga astronaut,” paliwanag ni Perez.

Ayon sa Space Foundation Discovery Center, unti-unting nababawasan ang bone density o tibay ng buto kada buwan kung walang sustansiya ang pagkain.

Nagkakaroon din ng pagbabago sa metabolismo ng katawan sa kalawakan. Dahil dito, mahalaga ang sapat na protina upang mapanatiling malusog.

Pagkaing Pilipino, Pang-Kalawakan

Sa gitna ng komplikadong siyensya, ipinunto ni Perez ang pagkaing Pilipino sa kalawakan.

“Gusto kong magdala tayo ng dried mango sa space. Pinapatagal natin yung shelf life,” iminungkahi niya.

Batay sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), mahalaga ang shelf-stable na pagkain sa space dahil limitado ang espasyo at walang refrigeration. Sa pamamagitan ng proseso ng pagpapatuyo, nababawasan ang tubig sa pagkain, kaya tumatagal ito nang mas matagal at nagiging mas magaan dalhin.

Bukod dito, mas pinipili ang mga pagkaing may matapang na lasa tulad ng dried fruits upang mapanatili ang gana sa pagkain.

Pagtingala Bilang Simula

Sa kabila ng teknikalidad ng agham, patuloy ang hikayat ni Perez sa kabataan upang maglaan ng kaalaman.

“Huwag matakot. Hindi nakakatakot ang science. Isa siyang masayang field. “Aim high, dream high, shoot for the stars,” payo niya.

Sa pag-abot ng Pilipinas sa kalawakan, hindi lamang makina ang puhunan, kundi lakas ng loob ng mga kababaihan na patuloy na bumabasag sa mga hangganan.

H

Written by Haziel Diezmos, Insight PH

Haziel Diezmos, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Science and Technology

King Razon, Insight PH

SCITECH | Science for the people: DOST Siyensikat to-air ninth season

When technology graces one’s newsfeed in various social media pages and platforms, it’s not easy to understand nor comprehend everything about ever...

25 days ago• 3 min read
Akeisha Bless Urgel, Insight PH

SCITECH | When Screens Pull the Trigger

A game can end with a restart button. Outside the screen, violence leaves consequences that simply cannot be reset.In the Philippines, two s...

26 days ago• 4 min read
EEarl Matthew, Insight PH

SCITECH FEATURE | Life Offered to Death in Exchange for Sustenance

On the surface below the shores of Southern Leyte’s Panaon Island, lies secretively public operations that could be deemed as a life offered to dea...

1 month ago• 4 min read
Explore all Science and Technology articles