Ibinaba nang Department of Health (DOH) ang alarma laban sa panibagong uri ng influenza o flu na kasalukuyang umaapekto sa United States of America (USA), United Kingdom (UK), at iba pang panig ng mundo dahil ayon sa ahensiya, hindi nakababahala ang paglaganap ng ‘super flu’ ngayon.
Sa isang panayam ng ni DOH Sec. Teodoro Herbosa, iginiit niyang hindi nakabakabahala ang paglaganap ng ‘super flu’ sa panahon ngayon sa Pilipinas dahil sa ating klima.
“Flu is a seasonal infectious disease,” giit ni Herbosa. Laganap ang sakit na ito tuwing malamig ang panahon. Sa Pilipinas, rumartagasa ang kaso ng flu tuwing tag-ulan mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Dagdag rin ni Herbosa na nagkaroon na ng kaso ng ‘super flu’ sa Pilipinas noon nakaraang taon.
“We've actually detected about July, August, about 17 cases of the ‘super flu’. All of them have recovered.” inilahad ng kalihim.
Samantala, mababa man ang pangambang dala ng ‘super flu’ sa Pilipinas, pinapayuhan pa rin ng DOH na magpabakunaabakasina laban sa ‘super flu’, lalo na ang mga may mahinang katawan at may planong lumabas ng bansa papunta sa lugar na may malamig na klima.
“Not alarming, but there is a new variant out there…If you're going to North America or the UK, maybe get the North Hemisphere vaccine.” sabi ni Herbosa.
Patuloy ang pagbabantay ng DOH sa flu at iba pang sakit na maaaring pumasok sa Pilipinas, ito ay parte ng preparasyon at proteksyon para sa bansa.
Written by Kate Adrienne Payan, Insight PH
Kate Adrienne Payan, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



