OPINYON | Perwisyo sa Paraiso

A

Aeron Lucio, Insight PH

Author

3 min readMarch 14, 2026
OPINYON | Perwisyo sa Paraiso

Sa dulo ng kalbaryo, mga ignoranteng politiko pa rin ang namumuno . Kahit na puro salita at walang gawa—natutunan pang magbitaw sa madla ng mga kataga ,  na sa unang rinig ay sila ang may gawa at tila nakakaawa, ngunit galing lang pala ito sa mga taong sila mismo ang kumawawa.

‎Hindi biro't nakakapagtaka ang mga kaganapan sa bansa. Puro pangako pero sila mismo ang pumapako. Ang bayang minsan nang tinaguriang isa sa busog na paraiso ay babagsak din pala sa pagiging lugmok na gutom. Mga perwisyong opisyales na sarili lamang ang iniisip at hindi pinagtutuunan ng pansin ang kagandahan at kalagayan ng bansa. 

‎Nito lamang Enero, taong 2026, tumaas at umangat ng 2.0% ang mga bilihin sa bansa, ayon ito sa Philippine Statistics Authority. Tulad ng karne, konsumo sa kuryente, tubig, gas at marami pang iba na ginagamit sa pamumuhay. Sa pagtaas nito, madami ang mahihirapan. Mga pamilyang sakto lamang ang kita sa pang araw-araw, mga magsasakang nalulugi at naiisahan at mga indibidwal na hirap sumabay sa agos ng buhay.

‎Tiyak na mahirap ito masolusyunan, bunsod na rin ng mga iba't ibang problema na kinahaharap ng bansa. 

‎Noong ito'y aking nabasa, ako'y nakaramdam ng panlulumo. Pondo ng bayan, parang multo—palaging nasa dilim, nagtatago. 

‎Nakakapagod marinig ang mga alitan sa loob ng bansa, hindi magkakasundo ngunit nasa iisang gobyerno. Iba't ibang ugali ang nasa tuktok, may mga taong bulag, mautak, gahaman, makitid at minsan ay  palaban pero hindi nasa landas ang kaalaman. Nakakasawang marinig ang paulit-ulit na pangalan, sila naman lagi ang lumalamang at tayo ang napag-iiwanan. 

‎Kagandahan na Dapat ay Winawagayway, Nawalan ng Saysay. 

 

‎Bagamat ganito ang nararamdaman natin ay hindi mapagkakaila na kahit ganito ang mga nakaupo at namumuno sa bansang  ito ay isa pa din ang Pilipinas sa mga pinaka-busog sa mga yamang lupa at katubigan sa buong mundo. Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o mas kilalang UNESCO, ang bansang Pilipinas ay mayroong anim na UNESCO World Heritage Sites. 

‎ 

‎Punong puno sa mga kulturang humubog sa atin sa kung saan ano at sino tayo ngayon. Mga gubat at katubigan, tiyak na hindi mauubusan. Ngunit kung ito'y gagawing pagkakakitaan, tiyak na peligro ang mamamataan.

‎Minsan na'kong nagduda, hindi ba dapat ito'y ating protektahan?

‎Tulad ng Sierra Madre.

‎Naging usap-usapan na naman ang bulubundukin na ito. Kahit na may batas na naglalayong protektahan ang lugar na ito, Republic Act No. 9125. Tila ba'y mayroon pa ring nakakalusot sa ordinansang nagbabawal na putulin ang mga puno, at pangalagaan ang likas na yaman nito. 

‎Kung susumahin, madaming bagyo ang hindi nakakalusot, dahil sa nagsisilbi itong harang para pabagalin ang ikot at daloy ng bagyo. 

‎Kakaunti pa lamang ito sa mga isyung kinahaharap ng bansa, hindi na mabilang sa daliri ang paglalapastangan sa aming karapatan. Magiging mabait at maglalabas ng mga mahuhumaling na salita kapag malapit na ang botohan. Ugali ng mga taong gahaman na sentro  ang kaban ng bayan. Huwag na kayong magtaka kung bakit gusto namin pabutihin ang panitikan na nagsisilbing boses ng iilan.

‎Kung kaya't saan nga ba tayo dadalhin ng mala paraisong panahon kung ang mga may hawak satin ngayon ay binitawan ang mga nilagdaang posisyon?

‎Hindi kami basta Pilipino lang! Hikahos man ay patuloy na kumakayod, makamit lamang ang buhay na maginhawa at walang pasakit. Kahit na sabihin niyo na kami ay sanay na humarap sa bumabaha at rumaragasang problema, hindi pa din kayang sabayan ang agos nito kung tinanggalan niyo naman kami ng bangka't sagwan na aming huling sandigan.

‎Suporta ang aming kailangan, ngunit nawala naman ito nung nasilaw kayo ng perang gahaman.

A

Written by Aeron Lucio, Insight PH

Aeron Lucio, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

RReyanhil Laurio (Kalachuchi), Insight PH

OPINYON | WIKApit: Tunay ba ang Paglaya?

Matagal nang ibinaba ang watawat ng mga banyagang humamak sa atin. Itinayo na rin ang sariling pamahalaan upang ipangalandakang, sa wakas, malaya n...

17 hours ago 4 min read
JJohn Benedict Banday, Insight PH

COLUMN | Usec., is blaming the teachers your ’Claire solution?’

Teachers are always among the first to be blamed.A student fails, the teacher is questioned. A student misbehaves, the teacher is accused of...

11 days ago 4 min read
eezro, Insight PH

OPINION | A Tree Is Never Just a Tree

“It’s just a tree.”Fewer phrases reveal our environmental priorities more clearly than those four words.In the wake of ...

15 days ago 2 min read
Explore all Opinion articles