OPINYON | Para ‘don lang?

E

Eloise Salonga (Eh… Lies), Insight PH

Author

3 min readNovember 18, 2025
OPINYON | Para ‘don lang?
Hugas kamay pagkatapos magpuna, patay malisya pagdating ng pananagutan. Ikaw, para ‘don lang, kaya mong magpakamatay?

Likas na sa mga Pilipino ang walang hintong pagpuna sa lahat ng nakikitang mali. Subalit, mali ba ang mga pinupuna o sadyang sarado lamang ang pag-iisip ng mayorya sa mga adbokasiya? Ang pawang salitang sa kanilang paningin ay hindi nakatutulong bagkus nakawawasak ng mental health ng isang tao.

Nabigla ang sambayanan nang mabalitaan ang pagpanaw ng kilalang social media influencer na si Emmanuelle “Emman” Atienza noong ika-22 ng Oktubre sa Los Angeles, California. Isinaad ng Los Angeles County Medical Examiner-Coroner, ang sanhi ng kaniyang pagpanaw ay suicide sa pamamagitan ng ligature hanging sa kaniyang tahanan.

Sa balitang yumanig sa perspektibo ng nakararami, muling nanumbalik ang usapin ukol sa pagpapatibay ng mental health awareness sa mamamayan. Lalo na sa mga social media posts mula sa kaniyang ama na si Alejandro Atienza na mas kilala bilang Kuya Kim at kaniyang mga tagasuporta na isang mensahe ang ipinaparating “a little kindness”.

Nag-ugat ang katagang ito mula kay Emman na kilala bilang advocate ng mental health awareness lalo na sa kaniyang pagkakaroon ng Bipolar Disorder, Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD), at iba pang mga clinically diagnosed na disorder. Mula sa murang edad, siya ay nakaranas ng pang-aabuso mula sa kaniyang yaya na isa ring dahilan ng kaniyang mga pinagdaanan. Sa kabila ng lahat ng ito, nananatili siyang malakas at naging tanyag na advocate upang mabigyang-pansin ang mental health sa Pilipinas.

Bilang influencer, nakaranas ng pambabatikos ang dalaga mula sa masa sa mga paratang bilang “nepo baby” dahil sa lolo na si Lito Atienza at iba pang kamag-anak na politiko. Isama pa rito ang nakaraang isyu ukol sa paggastos ng malaking halaga ng pera sa mamahaling restawran. Sa platapormang Tiktok, kanan kaliwa ang mga masasamang paratang sa kaniya na umabot sa puntong kinakailangan niyang magpahinga mula sa social media at bumalik ng LA.

Kaya nang pumutok ang balita, lubos na nagulat ang sambayanan na naging dahilan upang mabuksan ang diskusyon ukol sa mental health awareness. Sa katunayan, humigit kumulang 2,000 Pilipino ang nasawi dulot ng suicide mula Enero-Hunyo ng 2025 ayon sa ulat ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III. Dagdag pa rito, isinaad sa datos ng World Health Organization (WHO) Mental Health Atlas na kapos din ang bansa sa mga specialized mental health workers na itinala bilang 1,821 lamang.

Ang mga numerong ito ay hindi akma sa tumataas na kaso ng mga mental health lalo na’t mas nagiging matunog na ang usapin ukol dito. Kahit na ang konsepto at pangalan nito ay unti-unting nagpapakilala, nakakaligtaan ng pamahalaan ang pagbibigay-kaalaman sa mismong mamamayan na nakapaligid sa mga may pinagdaraanan. Walang maitutulong ang pinirmahang Mental Health Act o Batas Republika 11036 kung walang maayos na implementasyon at pagkilalang natatanggap ito.

Hindi gawa-gawa o pagdadahilan ang isyu sa mental health, ito ay pangdaigdigang suliranin na kinakailangang aksyunan sapagkat tumataas ang mga kaso nito– lalo na sa kabataan. Oo, alam natin na importante ito, subalit dapat din nating alamin ang mga paraan upang hindi ito maparanas sa ibang tao. Hindi lamang kamatayan ang naidudulot nito. Mas mabigat ang panghabangbuhay na konsensyang bibitbitin kung ikaw ay masasangkot sa pagkalugmok ng isang tao.

Kung may nagawa mang mali, kritisismo ang dapat sabihin sa kanila nang matuto at magbago. Hindi ikaw si Kristo, hindi ka nakatataas mula sa iyong kapwa. Walang may karapatang manghusga, walang dapat makatanggap ng mabibigat na salitang nagbababa sa pagkatao.

Isang panawagan ang ipinararating ng kaganapang ito. Para ‘don lang? Oo, para sa mga mamamayang may mental health disorder at para rin sa mga taong nagmamahal sa kanila.
E

Written by Eloise Salonga (Eh… Lies), Insight PH

Eloise Salonga (Eh… Lies), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

RReyanhil Laurio (Kalachuchi), Insight PH

OPINYON | WIKApit: Tunay ba ang Paglaya?

Matagal nang ibinaba ang watawat ng mga banyagang humamak sa atin. Itinayo na rin ang sariling pamahalaan upang ipangalandakang, sa wakas, malaya n...

17 hours ago 4 min read
JJohn Benedict Banday, Insight PH

COLUMN | Usec., is blaming the teachers your ’Claire solution?’

Teachers are always among the first to be blamed.A student fails, the teacher is questioned. A student misbehaves, the teacher is accused of...

11 days ago 4 min read
eezro, Insight PH

OPINION | A Tree Is Never Just a Tree

“It’s just a tree.”Fewer phrases reveal our environmental priorities more clearly than those four words.In the wake of ...

15 days ago 2 min read
Explore all Opinion articles