OPINYON | Matapos Magamit, Dinaan sa Awit

A

Almira Cereno (Miracle Sailor), Insight PH

Author

2 min readNovember 26, 2025
OPINYON | Matapos Magamit, Dinaan sa Awit

Tinagurian ang Pilipinas bilang "the land of singers" dahil sa galing ng mga Pilipino sa pag-awit, kaya naman ibinuhos ng mga nakaluklok ang pambihirang talento nila sa 'pagkanta' sa kanilang kapwa politiko habang nakikinig tayo sa kanilang mapanglinlang na awit.

Mula sa taas, opisyal na gumuho ang Uniteam nang maglabas ng diss track ng pagbabalak na pagpatay ang Bise Presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte sa ani mong ka-tandem niya na si Pangulong Ferdinand Marcos. Bawat pagtatangka ay may halong pagtitimpi sa kinakasama— na para bang mala-FlipTop ang samahan. Hindi ba ito ang kolab na ating inaasahan?

Inilabas ng dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ang himig ng listahan ng mga proyektong 'di-umanong inutos ng Pangulong Marcos at Martin Romualdez na insertan ng mahigit-kumulang na ₱100 bilyon mula sa 2025 national budget. Ayon dito, nakatanggap ang pangulo ng mahigit ₱25 bilyon. Isang hakbang upang malinis ang reputasyong nabubulok ay ang sirain ang kapwa manloloko— at mukhang gumana pa ito sa mga panatiko.

Nag-mala- concert ang atake nang ibinunyag nila Pacifico at Sarah Discaya ang line-up ng mga politiko, mambabatas, at mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanghihingi umano ng porsyento sa mga proyektong flood control na pinaapaw pa lalo ang baha. Tsaka lang ipinaalam ang mga sangkot noong nahuli na, syempre— kailangan ng kasama sa kulungan, hindi ba?

Kung hindi man artista ang nakaluklok, ito naman ay mang-aawit. napakatalento talaga ng mga Pilipino ngunit ginagamit ito sa kamangmangan at kalapastanganan. Sa susunod na pagpili ay huwag magpadala sa mga kundimang pambibilog lalo na kung alam natin na ang politiko ay problematiko. Kung kaya nilang pagtaksilan at hilain pababa ang mga kasama nila sa kapangyarihan, paano pa kaya sa bayang sila ay pinaniwalaan? Isang malakas na awit para sa'yo, Pilipinas.

A

Written by Almira Cereno (Miracle Sailor), Insight PH

Almira Cereno (Miracle Sailor), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

RReyanhil Laurio (Kalachuchi), Insight PH

OPINYON | WIKApit: Tunay ba ang Paglaya?

Matagal nang ibinaba ang watawat ng mga banyagang humamak sa atin. Itinayo na rin ang sariling pamahalaan upang ipangalandakang, sa wakas, malaya n...

17 hours ago 4 min read
JJohn Benedict Banday, Insight PH

COLUMN | Usec., is blaming the teachers your ’Claire solution?’

Teachers are always among the first to be blamed.A student fails, the teacher is questioned. A student misbehaves, the teacher is accused of...

11 days ago 4 min read
eezro, Insight PH

OPINION | A Tree Is Never Just a Tree

“It’s just a tree.”Fewer phrases reveal our environmental priorities more clearly than those four words.In the wake of ...

15 days ago 2 min read
Explore all Opinion articles