OPINYON | HAYOP KA

A

Almira Cereno (Miracle), Insight PH

Author

2 min readApril 12, 2026
OPINYON | HAYOP KA

Kung sinong lahi pa talaga ang binigyan ng utak, halos sila pa ang walang isip. Sabagay kung tao ka, HAYOP KA.

Kama-kailan lang, nag-viral ang diumanong mga estudyante nang isinilid nila ang isang buntis na pusa sa sako kung saan pinagtatadyak at papalo ito. Sa sobrang kapal ng mukha, inedit at ginawa pang content ang kasakimang nilandak. Noong 2020, mahigit-kumulang 3,000 kaso ng animal cruelty sa mga pusa at asong gala ang naitala ayon sa CARA Welfare Philippines. Kung pusa ngayon, baka tao na bukas ang sinasako. Hindi naman malayong mangyari, kasi bata palang, HAYOP NA.

Alam niyo bang mahilig ako mag-alaga ng aso? Kahit ang mga nakapaligid sa akin ay mahilig din...isahog iyon sa kaldereta. Sa statistika ng European Society of Dog and Animal Welfare, halos kalahating milyon ang pinapatay na aso sa Pilipinas para gawing pagkain, lalo na sa Baguio. Masarap ba ang aso? Siguro sa sobrang sarap, kaya nagawa nilang nakawin at patayin ang aso ko para may pulutan sila. Tapos kapag namatay sa rabies, iyak malala, eh HAYOP SILA.

Bawal mang bato o mang baril ng kapwa, kaya iyong mga nakapaligid na hayop nalang ang gagawing target, ginawa pa talagang isports ang pag huhunt ng mga ito. Ayon sa National Geographic, mahigit-kumulang 60,000 na mga hayop ang namamatay sa hunting sports bago magka-pandemya sa Estados Unidos. Dito sa Pilipinas, hindi usa ang binabaril, kung hindi mga ibong palipad-lipad lang. Tapos kapag na-extict— parang kasalanan pa ng mga walang muwang na hayop kung bakit naubos ang lahi nila. Wala eh, HAYOP DIN SILA.

Minsan, tinatawanan natin ang mga adbokasiya ng mga animal rights at vegan organizations katulad ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA), pero kung tutuusin, sa sobrang sakim ng mga tao rito, mamumulat tayo sa mga sigaw ng mga ito.

Siguro hindi nga nalalayo ang tao sa ibang lahi, iyong iba nga, mas masahol pa. Sa mga 'mature' diyan, gamitin niyo utak niyo at bantayan niyo ang mga nakababata niyo, baka nalalapit na silang maging kriminal sa ilalim ng Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998. At sana, mag hanap kayo ng pagtutuunan ng pansin na walang buhay ang kailangan maapi. Mapa-bata man o matanda, dapat lang malagot sa kasakimang ginagawa nila sa mga alagang wala namang kalaban-laban sa kanila.

Kung wala lang sa'yo ito, edi HAYOP KA.

A

Written by Almira Cereno (Miracle), Insight PH

Almira Cereno (Miracle), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

PPearl A. Sison | sirume, Insight PH

OPINION | Artificial Identity Crisis

Tutorial on how to promptly celebrate our pride in our language as Filipinos:Make an accurate tutorial on how to celebrate our pride ...

5 days ago• 5 min read
ddiamondintheiris, Insight PH

OPINION | Fund Control Project

The home of great leaders is now the home of a massive fluke in flood control.In Batac City, Ilocos Norte—the Quiaoit River experienc...

5 days ago• 4 min read
vvia Drexli Joanna Ambida | Siniko-Lohiya, Insight PH

OPINION | LIGHTS, CAMERA, POVERTY

Maraming malikhaing pelikula ang nananatiling nakatago. Mga kinukulang sa oportunidad na ipakita ang kanilang obra sa mga malalaking sinehan kaya s...

19 days ago• 3 min read
Explore all Opinion articles