OPINYON | Calokohan City

R

Robi Miguel L. Villapando (Havoc), Insight PH

Author

3 min readFebruary 6, 2026
OPINYON | Calokohan City

Hindi lamang natatapos ang suliranin ng isang tinaguriang “makamasang” ospital na nararapat para sa mga residente ng lungsod ng Caloocan ang marumi, walang tubig, at tinipid na palikuran. Matagal-tagal na rin itong pinagtiyatiyagaan, ika nga, ang palikuran sa salitang ingles ay ‘comfort room’ na dapat ay nagbibigay-ginhawa sa bawat taong papasok dito. Subalit kabaligtaran ang nagiging danas ng mga residente sapagkat sumasalamin ang nakalolokong serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

Kamakailan lamang umikot sa social media ang hinaing ng isang residente mula sa Caloocan ang nakapanlulumong kalagayan ng mga palikuran sa North Caloocan City Medical Center. Isang palikurang halos hindi mailarawan ang itsura dahil bukod sa marumi ito at barado ang mga inidoro, gawa sa yero ang pantabing dito, maging ang pagitan ng palikuran para sa mga babae at lalaki. Isang nakadidismayang balitang gumulantang sa mga residente ng Caloocan na nakapagsidhi ng agam-agam kung nagagamit ba sa tama ang pondo.

Hindi na bago at patuloy pa ring umiiral ang kalakarang walang pag-unlad na sistemang pangkalasugan sa Caloocan at sa nasabing ospital. Sa katunayan, sa tala ng Department of Trade and Industry (DTI) noong nagdaang dalawang taon, isa ang Caloocan sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na nahuhuli at hindi nakapagbibigay ng angkop na serbisyo. Subalit kabalintunuang hindi pa rin umaalagwa ang depektibong sistema nila gayong nitong 2025 lamang, nakatanggap ang medical center ng humigit kumulang ₱746.8 milyon na malaki-laking halaga at may kalituhan pa rin kung bakit mga palikurang mas depektibo pa kaysa sa sistema nila ang inihahain sa publiko.

Hindi malinaw sa akin ang pinag-ugatan ng suliranin, subalit malinaw na indikasyong husto na ang kalakarang ito sa mga pampublikong pagamutan na hindi nabibigyan ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga nasa laylayan, at kung titingnan sa malawakang perspektibo, hindi lamang sa Caloocan nakabaling ang sentro ng isyu. Maihahalintulad din ito sa iba't ibang kaso ng pambansang kalagayan ng sistemang pangkalusugan na nagpapakikita ng salat na pribilehiyo na nakapapagod nang palaging ibinibigay ng gobyerno.

Bagaman nitong taon din mayroong pagsasaayos sa aspetong imprastraktura sa medical center sa pamamagitan ng mga bagong gawang pasilidad at bagong pintura nitong harap, hindi maikukubli sa bagong gawang haligi ang nabubulok na sistemang pangkalusugan ng ospital at hindi madadaan sa pariralang “malasakit” upang sabihing pinupunan nito ang kanilang mga pagkukulang. Marahil, kung hinihingi na ng panahon, kailangan nang lalong paigtingin ang Batas Pambansa Blg. 11223 o Universal Healthcare Act (UHC) sapagkat sabik na rin ang mga Pilipinong makaranas ng kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Sa kabilang dako, mariin kong panawagan sa ahensya ng pamahalaan ng Caloocan at sa mga kinauukulan ng North Caloocan City North Medical Center na amyendahan ang depekto sa sistema at bigyang kaayusan kung ano ang nararapat tugunan—hindi tapalan ng mga propagandang sing-tingkad ng kahel na kulay ng medical center na hinaluan na rin ng kulay politika.

Hindi ang marumi at mabahong palikuran ang umaalingasaw sa nasabing pagamutan. Mas nakababahala at hindi kayang maatim ay mistulang isang biro ang sistemang pangkalusugan at sa tinipid na palikuran naging lantad ang ginawang kalokohan.

R

Written by Robi Miguel L. Villapando (Havoc), Insight PH

Robi Miguel L. Villapando (Havoc), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

RReyanhil Laurio (Kalachuchi), Insight PH

OPINYON | WIKApit: Tunay ba ang Paglaya?

Matagal nang ibinaba ang watawat ng mga banyagang humamak sa atin. Itinayo na rin ang sariling pamahalaan upang ipangalandakang, sa wakas, malaya n...

17 hours ago 4 min read
JJohn Benedict Banday, Insight PH

COLUMN | Usec., is blaming the teachers your ’Claire solution?’

Teachers are always among the first to be blamed.A student fails, the teacher is questioned. A student misbehaves, the teacher is accused of...

11 days ago 4 min read
eezro, Insight PH

OPINION | A Tree Is Never Just a Tree

“It’s just a tree.”Fewer phrases reveal our environmental priorities more clearly than those four words.In the wake of ...

15 days ago 2 min read
Explore all Opinion articles