OPINYON | BANTAY MUWANG

C

Cyrus G. Gatchalian, Insight PH

Author

3 min readApril 17, 2026
OPINYON | BANTAY MUWANG

Nagsimula ang lahat sa isang kakila-kilabot na Facebook post—isang kwentong para sa iba ay itinuturing ito na biro, tila ordinaryong tagpo lamang ng buhay. Nang may batang naroon, at sa kanyang tabi ay may mga matatanda na dapat sana ay marunong umunawa ng hangganan. At marami ang tumawa, nangunsinti at nag haha. Nagkomento pa na “normal lang 'yan.” Doon ako tunay na kinilabutan. Sapagkat hindi na dapat isantabi pa ang nakapanglalasong katotohanan. Na kapag ang mali ay ginagawa nang katatawanan, doon ito unti-unting nagiging kaugalian.

Ang tahanan, munti man ang bubongan at maliit man kung tignan, ito ang unang mundong pinaninirahan ng mga bata. Bago pa mag-aral, bago pa ang paglalaro sa lansangan, doon niya muna matututuhan kung ano ang tama at mali, ligtas at hindi. Ngunit paano kung ang mismong mga tao sa paligid ng tahanan ang unang magbibigay kalituhan? hindi kailanman kakailanganin ng bata na may salitang bitawan upang masabi na siya ay naaapektuhan. Sapagkat may mga sugat na di sumisigaw—kasabay lang ng paglipas ng panahon, ngunit hindi maghihilom.

Nakasasama lang ng loob na ang matatandang nagtatago sa linyadang “wala pa naman siyang muwang.” Katakot-takot na palusot. Ang kawalan ng muwang ng bata ang eksaktong rason kung bakit mas dapat pagtuunan ang pananagutan ng mga nasa hustong gulang. Hindi VIP pass ang pagiging magulang upang magbulag-bulagan sa mga kilos na isinasagawa. Ang pagiging adulto ay hindi lamang upang maging ehemplo—ito ay ang kapasidad na magpigil para sa mga tinatawag nilang “walang muwang.”

Nakagagalit pa na tila ba’y kailangan pa itong ipaliwanag ng malalim. Tila ba kailangan pang lumuhod upang ipakiusap na igalang ang presensya ng batang hindi hiniling na masaksihan ang mundo ng mga adulto. Hindi ito usapin ng pagiging konserbatibo, ito ay usapin nang disenteng pagpapakatao. May mga bagay na dapat manatili sa tamang layo at espasyo. Ang bata ay hindi dapat kailanman maging saksi ng mga gawaing hindi pa niya mauunawaan ng husto.

Mas nakatitindig-balahibo ang nakabibinging katahimikang bitbit nang marami. Sa comment section, mas malakas pa ang pagtawa kaysa pagtuligsa. Mas marami pang nangatuwiran sa kamalian kaysa sa umunawa. Iyan ang tunay na krisis—hindi lamang ang maling akto, kundi ang lipunang handang maging bulag para lang makisabay sa trend ng nakararami.

Kailanman ay hindi dapat ang bata ang mag-adjust sa kabalbalan ng matatanda. Hindi siya dekorasyon lamang na basta-basta na lamang ibalewala. Siya ang pinaka mahina. Kaya siya ang dapat pakaingatan ng lubusan. Kung mabaliktad man ang prinsipyong ito, hindi na matatawag na tahanan ang nangkukupkop—kundi lugar na ng panganib at pangamba na minamaskarahan ng salitang “pamilya.”

Kaya't ako'y hindi tatahimik. Hindi ito pangingialam sa buhay ng iba, ito ang tuwirang pagtuligsa sa kamaliang taas-noo pang ibinibida. Paninindigan sa bata na wala pang muwang, ang kakayahang ipagtanggol ang sariling karapatan. Sapagkat ang matatanda dapat ang magpigil, magbigay-galang, at mangalaga—hindi ang bata ang dapat masanay sa pagiging hubo't hubad ng mundo sa murang edad.

Sa huli, iisa lang naman ang dapat nating isigaw ng walang pag-aatubili, na kailangan pangalagaan ang karapatan ng sino man, may buo man ang kamalayan o hindi. Kung hindi natin kayang ibigay ang simpleng paggalang sa karapatan na ito, walang karapatan ang sino man sa atin na tawaging magulang, lalong wala tayong karapatang ituring ang tahanan bilang isang lugar ng kanlungan.

Dahil ang bata ay hindi lamang palamuti—bagkus ito ay dapat pangalagaan, igalang at protektahan.

C

Written by Cyrus G. Gatchalian, Insight PH

Cyrus G. Gatchalian, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

RReyanhil Laurio (Kalachuchi), Insight PH

OPINYON | WIKApit: Tunay ba ang Paglaya?

Matagal nang ibinaba ang watawat ng mga banyagang humamak sa atin. Itinayo na rin ang sariling pamahalaan upang ipangalandakang, sa wakas, malaya n...

17 hours ago 4 min read
JJohn Benedict Banday, Insight PH

COLUMN | Usec., is blaming the teachers your ’Claire solution?’

Teachers are always among the first to be blamed.A student fails, the teacher is questioned. A student misbehaves, the teacher is accused of...

11 days ago 4 min read
eezro, Insight PH

OPINION | A Tree Is Never Just a Tree

“It’s just a tree.”Fewer phrases reveal our environmental priorities more clearly than those four words.In the wake of ...

15 days ago 2 min read
Explore all Opinion articles