OPINYON | BAHA NG KATIWALIAN

Sapagkat habang ang Pilipinas ay sinasalanta ng bagyo at nalulunod ang mga apektadong mamamayang Pilipino, pinapaalala sa atin ang kanilang pagiging gahaman at ang kahinaan ng gobyerno.

C

Christer G. Boralo, Insight PH

Author

4 min readNovember 15, 2025
OPINYON | BAHA NG KATIWALIAN

Habang lumalangoy sa baha ang mga Pilipinong apektado sa pananalasa ni bagyong Tinong, may isa pang unos na hindi pa rin natitinag — ang baha ng katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura.

Sa matinding pananalanta ng Bagyong Tino, ito ay nagpapaalala sa Pilipinas na hindi lang baha ang malaking unos, pati na rin ang katiwalian sa imprastraktura. Patuloy pa ring isinusulong sa kongreso ang hustisya laban sa mga anomaliya, tulad ng mga ghost flood control projects. Ang mga proyektong ito, na dapat sana'y magliligtas sa bansa, ay nanatiling usap-usapan at hindi pa rin nasisimulan ang seryosong aksyon upang mapanagot ang mga sangkot. Mahalagang bigyan ng agarang pansin at pagpaparusa ang mga maysala dahil ang bawat araw ng pagkaantala ay nagdudulot ng patuloy na kawalan ng tiwala ng publiko sa sistema.

Bilang tugon sa problema, sinimulan nang talakayin sa House Committee on Government Reorganization ang House Bill 4453 at House Bill 5699, na naglalayong bumuo ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC). Layunin nitong palakasin ang kapangyarihan ng kasalukuyang Independent Commission on Infrastructure (ICI) upang makapagpataw ng contempt, magsampa ng criminal at civil cases, magkumpiska ng ari-arian, at mag-isyu ng hold departure order. Ang pagpapatatag at pagpapatupad nito ay isang kinakailangang hakbang para mas mabilis na malitis at makulong ang mga responsable sa mga korapsyon sa imprastraktura.

Dagdag pa, ang patuloy na korapsyon sa imprastraktura ay nagdudulot ng matinding pagbaba ekonomiya at pagkawala sa kaligtasan ng publiko. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, nawalan ang ekonomiya ng Pilipinas ng P118.5 bilyong piso dahil sa mga ghost projects mula 2023-2025. Ang malalaking ghost projects na ito ay nagpapakita ng paglustay ng pondo ng bayan, na naglalagay sa panganib sa buhay ng mamamayan dahil hindi naitayo ang mga proteksyong kailangan. Ang kawalan ng agarang aksyon ay nagpapahintulot sa mga tiwali na patuloy na makagawa ng kabalastugan habang ang kaligtasan ng Pilipino ay patuloy na nakokompromiso.

Aanhin natin ang magandang ambisyon ng gobyerno kung sa papel lang naman ito nakikita. Kung may mga mga proyekto man, ang iba ay tinipid at hindi mapakinabangan ng mga Pilipino. Ang ginamit na mga materyales ay substandard, hindi matibay at ang mas masaklap — may mga proyektong hindi pa nasisimulan. Nakakalungkot isipin dahil paano uunlad ang ating bayan kung ang tagapagpanday ng pagbabago ay ibinubulsa lamang ang pondo?

Isipin natin, malaki ang papel ng mga imprastraktura sa ating bayan, lalong-lalo na ang mga flood control projects. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ay dinadaanan talaga ng malalaking unos dahil sa lokasyon nito, kasabay rin ng pagbabago ng klima. Ngunit, nabaon nalang sa limot at ngayon ay lumalaban ang mga Pilipino sa mataas na baha — imbes na maging solusyon, naging konsumisyon pa sa nakararami. Hindi lang naman pera ang ninakaw sa ating bayan, pati na rin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ngayong mabagal ang usad ng sistema at wala pang nanagot. Sapagkat Ilang buwan na ang nakalilipas pero wala pa rin sila sa kanilang nakahandang kulungan. Patuloy pa rin ang imbestigasyon na para bang walang katapusan, samut-saring paliwanag pero isa lang ang gustong madinig ng sambayanang Pilipino, kundi ang mabulok at magdusa sila sa kanilang kasalanan. Kung hindi man sila makukulong sa taon na ito, hindi na makatarungan ang sistema ng gobyerno — nasa labas ang maysala, nakakulong ang hustisya.

Gayunpaman, kaiilangan natin ng agarang aksyon para panagutin sila sa kanilang mga kasalanang nagawa. Bigyan dapat ng mabigat na parusa ang mga tiwaling mapapatunayang maysala. At para hindi na rin maulit ang ganitong bagay, magkaroon dapat ng mahigpit na auditing at transparency sa lahat ng mga proyekto. Ipakita sa lahat kung saan ginagasta ang pondo ng bayan. Hindi dapat magtataka ang mga Pilipino na may mga proyekto palang ini-implementa pero hindi naman naisasakatuparan.

Kaya naman, sa pagpapatatag ng komisyon nararapat ng bilisan ang imbestigasyon upang mabigyan ng katarungan ang mga kabalastugang nagawa. Maraming umaasa at naghihintay sa kanilang kabayaran. Sapagkat habang ang Pilipinas ay sinasalanta ng bagyo at nalulunod ang mga apektadong mamamayang Pilipino, pinapaalala sa atin ang kanilang pagiging gahaman at ang kahinaan ng gobyerno — bulag sa katotohanang nangyayari sa ating bayan.

Mataas na ang tubig, lubog na ang kalsada pero hindi lang pala ito ang rumaragasa — pati na rin ang katiwalian na nararapat ng wakasan sa ating bansa.
C

Written by Christer G. Boralo, Insight PH

Christer G. Boralo, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

RReyanhil Laurio (Kalachuchi), Insight PH

OPINYON | WIKApit: Tunay ba ang Paglaya?

Matagal nang ibinaba ang watawat ng mga banyagang humamak sa atin. Itinayo na rin ang sariling pamahalaan upang ipangalandakang, sa wakas, malaya n...

17 hours ago 4 min read
JJohn Benedict Banday, Insight PH

COLUMN | Usec., is blaming the teachers your ’Claire solution?’

Teachers are always among the first to be blamed.A student fails, the teacher is questioned. A student misbehaves, the teacher is accused of...

11 days ago 4 min read
eezro, Insight PH

OPINION | A Tree Is Never Just a Tree

“It’s just a tree.”Fewer phrases reveal our environmental priorities more clearly than those four words.In the wake of ...

15 days ago 2 min read
Explore all Opinion articles