NEWS | PNP: Planado ang Tacloban shooting; imbestigasyon sa pulis na tiyahin ng suspek, isinagawa

G

Gian Russel Asuncion, Insight PH

Author

2 min readJune 25, 2026
NEWS | PNP: Planado ang Tacloban shooting; imbestigasyon sa pulis na tiyahin ng suspek, isinagawa

Kinumpirma nang Philippine National Police (PNP) na planado ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, dalawang suspek na edad 14 at 15 ang nagsagawa ng pag-atake at gumamit ng dalawang baril, kabilang ang isang 9mm pistol na pag-aari ng isang pulis na tiyahin ng isa sa mga suspek, na ngayon ay iniimbestigahan dahil sa posibleng kapabayaan sa pag-iingat ng armas.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na ang mga suspek ay matagal nang nagplaplano ng pag-atake at umano’y may alegasyon ng pambu-bully na posibleng naging motibo, bagama’t patuloy pa itong inaaral ng mga awtoridad.

Ayon sa isang police spokesperson sa panayam ng media, “We really don’t prepare for this kind of incident,” na tumutukoy sa kakulangan ng kahandaan sa mga ganitong uri ng karahasan sa paaralan.

Dagdag pa ng mga awtoridad, mabilis na nagkagulo ang mga estudyante sa gitna ng insidente, kung saan marami ang hindi alam ang gagawin at nagtakbuhan sa iba’t ibang direksyon upang makaligtas.

Hindi bababa sa 15 sa mga sugatan ang tinamaan ng bala habang ang iba ay nagtamo ng pinsala dahil sa pagmamadali at pagtakbo palabas ng gusali.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang menor de edad na suspek habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon.

Patuloy ring inaalam ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng insidente, kasabay ng panawagan para sa mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan sa buong bansa.

G

Written by Gian Russel Asuncion, Insight PH

Gian Russel Asuncion, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles