NEWS | Ilang parte ng Mindanao, binaha sa kabila ng mainit na panahon

D

Doreen P. Cabildo, Insight PH

Author

2 min readMay 6, 2026
NEWS | Ilang parte ng Mindanao, binaha sa kabila ng mainit na panahon

Nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang bahagi ng Mindanao noong Lunes dahil sa easterlies na nagdulot ng malalakas na pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Rumagasa sa Alamada, Cotabato ang putik at malalaking bato patungo sa national highway kaya maraming motorista ang naiwang stranded.

Inabot nang humigit-kumulang walong oras ang clearing operations bago tuluyang naging maayos ang daloy ng trapiko sa lugar.

Lubog din sa baha ang ilang kabahayan at taniman sa Northern Kabuntalan, Maguindanao Del Norte, matapos umapaw ang ilog dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Inaasahan ang light to moderate rains sa Mimaropa, Visayas, at Mindanao, habang nananatiling mababa ang tsansa ng ulan sa Metro Manila.

Sa kabila ng malakas na pag-ulan, nagpapatuloy ang matinding init sa malaking bahagi ng bansa. Batay sa forecast ng PAGASA, inaasahang aabot sa 44°C ang heat index sa Dagupan, Pangasinan. Inaasahan naman ang 43°C sa Sinait, Ilocos Sur; Laoag, Ilocos Norte; at Bacnotan, La Union.

Pumalo naman sa 42°C ang heat index sa Batac, Ilocos Norte; Tuguegarao, Cagayan; San Ildefonso, Bulacan; at Davao City. Ang mga antas na ito ay nasa “danger level”, kung saan mataas ang panganib ng heat exhaustion at heat stroke.

Nasa “extreme caution level” naman ang Iloilo City, Dumaguete, at Catbalogan, Samar, na may heat index na humigit-kumulang 40°C. Sa Pasay City, inaasahang aabot sa 39°C ang temperatura.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto sa biglaang pagbaha at landslide, at mag-ingat din sa epekto ng matinding init sa kalusugan.

D

Written by Doreen P. Cabildo, Insight PH

Doreen P. Cabildo, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles