“Ang mga bata po ngayon, sad to say, ‘wag kayong magagalit sa akin pero pasensya na kayo… you are weak.”
Ito ang naging batikos ni Senator Robin Padilla sa kasalukuyang henerayon sa diskusyon ukol sa kaligtasan ng mga bata sa paggamit ng social media sa isang Senate hearing kahapon, Pebrero 11.
Aniya, hindi mga iyakin ang kabataan noon kumpara sa ngayon dahil natuto sila sa lansangan.
“Noong panahon namin, hindi uso ang salitang ‘depression.’ Hindi ko nga alam ‘yun e. Ngayon, batang maliit sasabihin “I'm depressed,” dagdag pa niya.
Ikinalungkot naman ni Padilla ang pagkalulong ng kabataan sa social media na nag-udyok sa kaniyang magsulong ng mga batas na nagbabawal sa paggamit nito tulad sa ibang bansa.
Written by Arianne Jhayne, Insight PH
Arianne Jhayne, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



