NEWS FEATURE | Bitbit ang hinaing ng anakpawis: Karapatan ng manggagawa, isinusulong sa huling araw ng FebFair 26’

J

John Paul Ladiana Siapel, Insight PH

Author

3 min readFebruary 15, 2026
NEWS FEATURE | Bitbit ang hinaing ng anakpawis: Karapatan ng manggagawa, isinusulong sa huling araw ng FebFair 26’

“Basagin ang katahimikan, mag-aklas para sa tunay na kalayaan”

Ito ang tema na ibinahagi ni Eudess Ucol sa panghuling araw ng FebFair 2026 na pinamagatang “Paglaum.” Layunin ng nasabing aktibidad na bigyang-boses ang sektor ng mga manggagawa at panagutin ang mga sangkot sa korapsyon, Pebrero 14.

Sa pagpapatuloy ng fair, nanawagan ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) na itigil na ang pananahimik at maging aktibo sa pakikibaka laban sa sistematikong pangungurakot ng mga lingkod-bayan.

“Isa siyempre sa sinusulong ng Paglaum ay basagin na ang katahimikan—hindi lang ang katahimikan ng mga tao, kundi pati na rin ang pagpapatahimik sa mga mamamayan sa ilalim ng gobyernong ito,” ipinunto ni Ucol.

Adbokasiyang nais ilantad

Bilang tagapangasiwa ng aktibidad, Inilahad ni Ucol ang tatlong pangunahing kadahilanan sa patuloy na pakikibaka ng mga mag-aaral. 

Una na rito ang usaping pang-ekonomiya, partikular ang panawagan na itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin.

Ipinaliwanag niya na ‘hindi na akma ang kasalukuyang kita ng mga manggagawa sa bilis ng pagtaas ng implasyon’.

Dagdag pa rito, kabilang sa kanilang adbokasiya ang kampanyang anti-feudal kung saan nanawagan sila para sa isang tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka at manggagawa.

“Andiyan din ang anti-bureaucrat capitalism na kaakibat ng ouster call. Dapat mapatalsik ang rehimeng Marcos-Duterte dahil pareho silang burukrata kapitalista na ginagawang negosyo ang serbisyo sa tao,” dagdag ni Ucol.

FebFair bilang protest fair

Bilang tagapangasiwa, binigyang-diin ni Ucol na mahalaga ang maayos na organisasyon upang magkaroon ng direktang konsepto para sa mga batayang sektor. 

Aniya, ‘kung matiyak ang kolektibong pagkilos, mas mapalalakas ang mga isinusulong na adbokasiya’.

Sinabi rin niya na kasabay ng kanilang pagsulong ang pagkakaisa sa mga kasapi ng “anakpawis,” kabilang na ang pag-alam sa tunay nilang kalagayan.

Upang maisakatuparan ito, tiniyak ng mga organisador na ang mga performers at speakers sa programa ay nagmula mismo sa sektor ng mga manggagawa at kabataan.

Daan tungo sa kamalayan

Inihayag ni Ucol na ang inisyatibong ito ay nagsilbing avenue para mapukaw ang atensyon ng mamamayan tungkol sa kalagayan ng lipunan. 

“Sa pamamagitan ng programa, direktang naiparating ng mga tagapagsalita ang kanilang mga hinaing at panawagan sa mga manonood,” sinabi ni Ucol.

Nakiusap si Ucol sa taong-bayan na magkaisa sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan. 

Isinaad niya na ang “Paglaum” na hango sa isang sealitang  nagsisilbing katuwang tungo sa kapayapaan at pagpapakita ng mga pinahahalagahang kampanya.

Sa pagitan ng mga numero

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa humigit kumulang apat na porsyento o nasa 2.26 millyong mga Pilipino ang walang trabaho sa taong 2025.

Dagdag pa rito, nasa 7.6 milyong Pilipino ang kumita ayon sa isinasaad ng batas patungkol sa minimum wage ng mga pribadong establisiyemento.

Sa economics, ang pagkakaroon ng sweldo ng naaayon sa minimum wage ay kinokonsiderang mahirap dahil sa hindi pantay na ratio ng mga bilihin at sweldo.

Dahil dito, nakikita ng mga statistika na maraming Pilipino nang ninais mangibang bansa dahil sa opurtinidad.


J

Written by John Paul Ladiana Siapel, Insight PH

John Paul Ladiana Siapel, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

CChesca Chua, Insight PH

NEWS | Chinese teachers leave Philippines amid safety issues

Following an increase in security concerns and heightened political scrutiny, over 150 volunteer Chinese teachers officially pulled out of Philippi...

9 days ago• 3 min read
ZZoe Francheska Palapar, Insight PH

NEWS | Isulan NHS rules out shooting, eyes faulty wiring

Authorities ruled out a shooting incident at Isulan National High School after a loud noise reported within the school premises sparked concern amo...

13 days ago• 2 min read
MMark Angelo Dominguez, Insight PH

NEWS | PBBM orders probe into alleged lack of support for Asiad athletes

President Ferdinand Marcos Jr. has ordered authorities to investigate claims that some Filipino delegates at the ongoing 2026 Asian Games, particul...

15 days ago• 2 min read
Explore all News articles