Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi teknikal na “inaresto” si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa Czech Republic, sa kabila ng mga naunang ulat na siya ay nahuli at nasa kustodiya ng mga awtoridad.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, “Arrest has a legal technical definition,” at hindi ito maituturing sa kaso ni Co dahil walang umiiral na warrant laban sa kanya sa naturang bansa.
Gayunman, kinumpirma ng DOJ na napigilan si Co sa hangganan ng Germany matapos pumasok mula Czech Republic at nananatili sa ilalim ng hurisdiksyon ng mga awtoridad doon.
“We do not know yet the specific details of the intervention conducted on his person there,” ayon pa kay Martinez, habang inihalintulad niya ang sitwasyon sa isang pasaherong hindi pinayagang makapasok sa isang bansa.
Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahuli na si Co at nasa kustodiya sa Prague matapos umanong pumasok nang walang sapat na dokumento.
Samantala, ayon kay Jonvic Remulla, kasalukuyang isinasagawa ang mga hakbang para sa deportation ni Co. Nagtungo naman si Justice Secretary Fredderick Vida sa Prague upang makipag-ugnayan para sa kanyang pagbabalik sa bansa.
Haharap sa mga warrant of arrest si Co kaugnay ng bilyon-bilyong pisong flood control scandal at itinuturing na pugante mula pa noong Disyembre 2025.
Written by Gian Russel Asuncion, Insight PH
Gian Russel Asuncion, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



