LATHALAIN | Mga Mamamahayag na Hindi Muling Makapaglilimbag

K

KC Lovely Reyes, Insight PH

Author

3 min readSeptember 9, 2025
LATHALAIN | Mga Mamamahayag na Hindi Muling Makapaglilimbag
Hindi kailanman naging ligtas ang mundong ating kinagagalawan lalong-lalo na para sa mga mamamahayag.

Ang katotohanan na ito ay walang pagbabago at minsan ay mas lumalala pa sa mga panahong ang mga mamamahayag ay pinakakinakailangan. Tuwing nahaharap ang isang bansa sa mga banta katulad ng pagkawala ng kalayaan nito, isa ang mga mamamahayag sa nananatiling nakabantay. Subalit, ang katatagan nilang tumayo sa harap ng giyera ay isang bolunterismong kaugalian na hindi na tinatanggap ng ilan.

Isa sa mga halimbawa ang sitwasyon ngayon ng mga mamamahayag sa Gaza. Sa halos isang taon at sampung buwan nilang pagsubaybay at pagbabalita simula pa noong ang giyera ay nagsimula; habang mas umiigting ang gulo ay mas humihigpit din ang paghahabol sa kanila. Kabilang ng mga mamamayan na walang mapanghawakang pangako ng kaligtasan mula sa mga lumulusob, pareho ang kalagayan ng mga mamamahayag na narito.

Sa lahat ng nangyayaring gulo sa Gaza, isa sa suliranin ang pagpapapatay ng mga mamamahayag na naging ulo ng iba’t ibang balita simula Agosto 10, 2025. Pinagbawalan na ang lahat ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa na makapasok sa Gaza. Ngunit, may ilan na mga mamamahayag ang nananatiling nasa lugar na ito upang magbalita. Sila ay kasama sa iilan lamang na mga mamamahayag na pinahintulutan ng International Humanitarian Law (IHL) na magkaroon ng proteksiyon bilang mga sibilyan sa nangyayaring giyera.

Ngunit sa kabila ng mga matitingkad na kulay sa kanilang mga uniporme na nagsasabing sila ay kasama ng midya, nananatiling nakatutok sa kanila ang mga baril at bala. Sa laganap na pambobomba, pagbabanta, at pagpapapatay sa Gaza; hindi garantisado na mabibigyan ang mga mamamahayag na ito ng proteksiyon mula sa gulo sa pamamagitan lamang ng pagtukoy sa kanila bilang mga sibilyan gamit ang kanilang mga matitingkad na uniporme. Dahil, kung minsan, ang mga kulay at ang salitang “media” sa uniporme nila ang nagiging madaling pagkilala upang sila ay habulin at ipagpapatay.

Ang katayuan na ito ng mga mamamahayag sa Gaza ay isa lamang sa mga patunay na walang kaligtasan sa larangan ng pamamahayag. Subalit, marami pa ring tao ang nagtataglay ng katatagan na hamunin ang iba’t ibang suliranin na ito sa larangan ng paghahatid ng balita para lamang mapabatid sa karamihan ang reyalidad saan mang parte ng mundo. Protektahan ang mga mamamahayag sa Gaza bago sumapit ang panahon na hindi na sila makapaglilimbag muli. Hindi makabubuo ng isang malayang nasyon kung wala ang mga mamamahayag. Walang mabubuong tahimik na inang bayan sa lupang may bakas ng dugo at naging libingan ng karamihan.
K

Written by KC Lovely Reyes, Insight PH

KC Lovely Reyes, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Feature

AAdriana Faye B. Marfil, Insight PH

FEATURE | Press Under Pressure

Journalism is a profession whose product outlives its producer only after it survives its most exacting test: precision under pressure. A draft nea...

5 days ago 4 min read
RRosfranceska, Insight PH

FEATURE | Faring the Fares

Muffled sounds from the television and the disappointed faces occupied the entirety of my family’s living room. In times like these, warm conversat...

8 days ago 6 min read
SSavanna T. Tarraya, Insight PH

FEATURE | A Privilege to Share

When a country begins to treat high commodity prices and heavy taxes as normal, even the simplest books become a privilege.Your favor...

9 days ago 4 min read
Explore all Feature articles