LATHALAIN | Magaling ka kapag may Kailangan ka

H

Herwin Magbuo, Insight PH

Author

4 min readJanuary 9, 2026
LATHALAIN | Magaling ka kapag may Kailangan ka

Nagdala sa’kin ng mapanglaw na luha ang bumubuhos na Bagyong Uwan nitong nakaraang linggo. Sa gitna ng katiwalin na lumulunod at sumisira sa buhay ng bawat isa sa’tin, tumanglaw at naglakbay ang aking mga mata sa madilim na hangganan, na tila ba natatanaw ko ang Sierra Madre. Ngumiti ako ngunit muli ring nalumbay. “Baka itong bagyo ay hagulgol ng Sierra Madre dahil ang bayang matagal niyang kinalinga ay binalewala siya nung siya na ang may kailangan.”

Tuwa at halakhak sa gitna ng kalamidad ang hatid ng mga kumalat sa social media na mga Artificial Intelligence Generated Videos ng Sierra Madre laban sa Bagyong Uwan. Itong bulubundukin ay ang pangunahing kalasag ng Luzon sa mga bagyo na nanggagaling sa Karagatang Pasipiko. Isang halimbawa na lamang ay nung winasak ng Sierra Madre ang mata ng Bagyong Uwan.

Noong una ay totoong nagsilbing munting aliw ang mga bidyo nung niraragasa tayo ng nasabing bagyo. Ginawa pa itong biro ng aking mga kaibigan sa klase. Mula sa iba’t-ibang AI Generated na kasuotan at pangyayari, kasama ang mga boses at dayalogo na kung matanda ang tatawa ay baka sumunod ang pustiso.

Ngunit ngayong na nakaalis na ang bagyo at namamatay na ang trend, kasunod na rin si Sierra Madre.

Sa una talaga masaya

Like dito, share doon. Ganun na kabilis ang pagpapalaganap ng mga bidyong ito. Bata man o may edad, tiyak na kahit isang beses ay natawa sila sa mga eksenang pinupuri ang panagga ng Luzon laban sa bagyo. Sa loob ng ilang araw, libo-libong bidyo, memes, filters, at marami pang iba ang nakisali sa kabiruan. Meron pang isa na si Sierra Madre naman mismo ang nanunuod at tumatawa mula sa mga likhang ito.

May problema ang tao

Maliban sa mga bagyo, nagsisilbi tahanan rin ang Sierra Madre sa samu’t-saring hayop at halaman na rito lamang matatagpuan. Sa datos ng Climate Change Commission, tinatayang 58% ng halaman dito ay endemic o eksklusbo lamang dito.

Dahil sa kahitikan ng lupain sa puno, malaki rin ang inaambag nito sa produksyon ng mga materyales na bumubuo sa tahanan at kagamitan ng mga tao. Papel para sa mga dokumento at paaralan, upuan at lamesa sa maraming pasilidad, at marami pang iba ay nagmumula sa kahoy na kinukuha sa Sierra Madre. Itong mga puno rin ang dahilan bakit sagana ang ating hangin sa Oxygen at binabantayan ang lebel ng Carbon Dioxide.

Lahat ito ay buong-pusong binigay ng Sierra Madre. Kaya’t bakit hindi natin ito magawa rin sa kaniya?

May daing din si Sierra Madre

Walang katapusan ang pagkagahaman ng tao. Mula pakunti-kunti, kinalbo ang kagubatan at hindi pinalitan. Ngayon, isang ulat mula sa British Broadcasting Corporation o BBC ang nagsasabi na tinatayang 90% Sierra Madre ay kalbo na.

Hindi pinakinggan ang hinaing ng mga organisasyon at ehemplo na ipinaglababan ang karapatan ng kalikasan tulad ni Gina Lopez na dating kalihim ng Department of Natural Resources.

Si dating luntian ay naging kulay abo; ang minsang mayabong ay nakalbo.

Magaling ka kapag may kailangan ka.

Natigil ang pakê sa harap ng screen. Nang si Sierra Madre naman ang humihingi ng tulong, kumonti ang sumaklolo at marami ang bumalik sa dati nilang pagkatao. Walang imik sa malawakang pinsala ng mga ilegal na minahan sa bulubundukin. Ang sigla ng mga halakhak at tawanan sa kwelang hatid ng mga AI edits ay napalitan ng kibit-balikat na pananahimik ngayong pinapanagot ang mga sangkot.

Papuri at palakpak, kasama ang walang hanggang pasasalamat nila Juan at Maria sa Sierra Madre sa tuwing may delubyo ng kalikasan. Ngunit nag mistulang bula na naglaho kung kailan kinailangan niya sila.

Nakapanlulumo at nakakadismaya ang mala-hipokritong trend na ito. Kung ang bagyong ito ang luha ng Sierra Madre, kailangan pa bang lagi itong bumuhos para ang mga Pilipino ay magkaroon ng kibo?

H

Written by Herwin Magbuo, Insight PH

Herwin Magbuo, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Feature

AAdriana Faye B. Marfil, Insight PH

FEATURE | Press Under Pressure

Journalism is a profession whose product outlives its producer only after it survives its most exacting test: precision under pressure. A draft nea...

5 days ago 4 min read
RRosfranceska, Insight PH

FEATURE | Faring the Fares

Muffled sounds from the television and the disappointed faces occupied the entirety of my family’s living room. In times like these, warm conversat...

8 days ago 6 min read
SSavanna T. Tarraya, Insight PH

FEATURE | A Privilege to Share

When a country begins to treat high commodity prices and heavy taxes as normal, even the simplest books become a privilege.Your favor...

9 days ago 4 min read
Explore all Feature articles