LATHALAIN | Daling Apuyan | Mapamuksang Liyab ng Kapalpakan

M

Marshella Ong, Insight PH

Author

2 min readDecember 7, 2025
LATHALAIN | Daling Apuyan | Mapamuksang Liyab ng Kapalpakan

Apoy ang simula ng lahat. Ito ang madalas ginagamit ng mga Pilipino sa pang-araw-araw—tinutupok ang mga bagay na walang kabuluhan at saysay. Subalit, hindi nararapat na apoy rin ang simula ng pagbubulag-bulagan sa katotohanang ibabaon na lamang sa katahimikan.

Hindi na bago ang insidenteng ‘sunog’ sa Pilipinas na naglalagablab ng puso ng bayanihan. Nitong nakaraan lamang, ang pagkasunog ng DPWH ay nagsilbing patunay ng insidenteng tumatanglaw ng galit at paghangad ng katarungan ng mga Pilipino.

Sa kabila ng pagsibol ng kontrobersiyang ‘flood control projects,’ tanaw nito ang tumatangis na kasinungalingan sa mga proyektong dapat magsilbi sana sa mga mamamayang naglaan ng dugo at pawis upang makabayad lamang ng buwis.

Gaya ng linyang, “kung sana ay mamulat ang matang bulag,” mula sa awiting Hudas ni Bamboo, nawa’y mamulat ang bulag na matang sinilawan ng panlilinlang ng gobyerno sa lupang ating kinagisnan. Hindi nararapat malihis ang ating isipan sa mga trahedyang kayang solusyunan ng ginto’t pilak na katumbas ngmga proyektong naglalaho na parang bula.

Kung ating babalikan, lumitaw kamakailan ang isyu ng ₱545 bilyong anomalya sa mga proyekto sa flood control sa bansa. Habang patuloy na nilalamon ng baha ang mga pamayanan dahil sa mga anomalya sa flood control, isang apoy ang sumiklab—ang sunog sa tanggapan ng DPWH sa EDSA. Sa gitna ng abo at usok, walang naabong ebidensiyang nadamay. Marahil, matagal nang nakatago sa dilim ang katiwaliang hindi batid ng karamihan.

Ang maraming proyektong dapat pumigil sa baha ang nagdudulot ng patuloy na pagdurusa’t pagkalunod ng mamamayan.

“’Pag sila’y nagtatawanang malakas,

tinatawanan lang tayo.”

Habang sila’y nasa puwesto, baon nito ang pagnanakaw na kailanma’y hindi sumagi sa isipan ng mga mamamayan. Sapagkat hindi bawas ang pagkabulag sa katapatan at pagsamba sa politikong tiwali’t buwaya.

Ngunit hindi ito dahilan upang manahimik sa ilaw ng kapangyarihan. Ang alingawngaw ng pag-ungkat sa nakaraan at ang sama-samang pakikibaka ang sisibak sa bulok na sistema.

Sapat nang dahan-dahan tayong mamulat. Sapat nang dahan-dahan tayong lumaban.

Sa pagbulusok ng katotohanan, sapat nang pigilan natin ang apoy na pipinsala’t kikitil ng buhay sa ating bansa. Hindi na magiging pipi, hindi na magiging bingi, at hindi na magiging bulag sa sunog ng katotohanan.

Apoy ang simula ng lahat. Ngunit apoy ng damdaming Pilipino ang lalaban sa panaghoy para sa katwiran. Kailanman, hindi sapat ang pagkatupok ng talim ng yelong nagtatago ng dagat ng lihim sa kapalpakang hatid ng pamahalaan.

M

Written by Marshella Ong, Insight PH

Marshella Ong, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Feature

AAdriana Faye B. Marfil, Insight PH

FEATURE | Press Under Pressure

Journalism is a profession whose product outlives its producer only after it survives its most exacting test: precision under pressure. A draft nea...

5 days ago 4 min read
RRosfranceska, Insight PH

FEATURE | Faring the Fares

Muffled sounds from the television and the disappointed faces occupied the entirety of my family’s living room. In times like these, warm conversat...

8 days ago 6 min read
SSavanna T. Tarraya, Insight PH

FEATURE | A Privilege to Share

When a country begins to treat high commodity prices and heavy taxes as normal, even the simplest books become a privilege.Your favor...

9 days ago 4 min read
Explore all Feature articles