Pinatahimik ng National University (NU) Lady Bulldogs, ang nanggagalaiting University of Santo Tomas (UST) Golden Tigers, 15-25, 25-23, 25-17,13-25, 15-12, upang ibulsa ang kampeonato, sa best-of-3 series ng 2025 Shakey's Super League (SSL) Preseason Unity Cup Finals, nitong ika-15 ng Nobyembre, na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.
Matapos na ma-sweep ang UST sa finals, nag iwan ng malinis na karda ang NU nang maipanalo ang sampung laban nito sa preseason tournament.
"We’re happy kasi nag-champion kami. Congrats din sa UST because they’ve been playing well, malakas din talaga sila. Na-gauge namin yung kaya naming gawin pa,” ani NU head coach Regine Diego.
Pinangunahan ng beteranong si Vange Alinsug ang NU nang kumana sa ikaapat na set upang bigyan ng pag-asa ang koponan at nagtapos na may 19 points mula 13 kills, 3 blocks, at 3 aces.
Umayuda ang rookie na si Sam Cantada nang gumawa ng 24 points mula sa 20 na atake, tinanghal namang Most Valuable Player at best setter si Lams Lamina nang magtala ng 25 excellent sets.
Dikit ang naging laban ng magkatungaling koponan na may parehong 2-2 na iskor, ngunit sumambulat ang Bulldogs sa panghuling set nang gumawa sila ng 8:3 run.
Dahil sa apat na errors na nagawa ng Tigers lumubo ang hawak na lamang ng NU, 10-5, subalit hindi nagpatinag ang UST na pilit idinidikit ang talaan sa iskor na 12-8.
Inakay nina Bombita at Alinsug ang ang NU upang panghawakan ang 14-9 na iskor at dahil sa service error ng middle bloker ng UST na si Mary Anne Coronado tuluyang napasakamay ng Bulldogs ang kampeonato.
"Hopefully, you get to see more of us in the future. Hopefully, we can defend our title not just here but also sa UAAP,” dagdag ni Diego.

K
Written by Kenneth Laorden, Insight PH
Kenneth Laorden, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.