Katawa-tawa ang pagra-rally ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Luneta Park laban sa korapsyong nangyayari sa Pilipinas. Isinisigaw nila ng katagang 'INC for Transparency' kahit na sila ang isa sa dahilan kung bakit nakapasok sa gobyerno ang mga halimaw na dapat ay nasa impyerno. Sa bawat salitang kanilang binibitawan, ako ay nasusuka at natatawa, sapagkat sila rin ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino, kung bakit nakakapagnakaw ang mga buwaya, at kung bakit ang tapang ng mga korap na pulitiko.
Kung maalala nating lahat, noong 2022, ang INC ay inindorso si Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte para sa posisyon na Presidente at Bise Presidente noong eleksyon 2022. At dahil rin sa endorsment nila kay Marcos Jr. sila ay nanalo at umupo bilang pinuno ng bansa. Ngunit, sa nangyayari ngayon, tila ay nakalimutan nilang sila ang may gawa kung bakit nakapasok si Marcos Jr. bilang presidente ng Pilipinas. Noong 2025 Senatorial election, inindorso rin nila sina Bong Go, Bato Dela Rosa, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, at Camille Villar.
Tila ay nakakalimot ang mga taga-suporta ng korap o ang mga INC mula sa iba't ibang lugar lupon nito na sila ang ugat ng problemang kinakaharap nating mga Pilipino. Kay lakas nilang magreklamo sa kasalanang sila rin ang may kagagawan. Kay lakas rin nilang gumawa ng rally na tumutuligsa sa korapsyon, ngunit noong Enero 2025 ay sila rin gumawa ng rally na pumo-protekta sa korap na si Sara Duterte.
Nais nilang ipaabot sa gobyerno na makulong na ang mga magnanakaw, ngunit, hindi nilang magawang ipakulong ang kanilang sarili dahil sila rin naman ang may sala. Nais nilang ipabatid sa buong Pilipinas na mananagot ang mga korap, ngunit, hindi nila mapanagot ang kanilang sarili dahil alam nilang kasalanan nila. Rally for peace or rally for sympathy? Nais nila ng pagbabago, ngunit hindi nila masimulan sa kanilang sarili.
Hanggang kailan magpapanggap ang mga INC na sila any kakampi ng Pilipinas? Walang kapatawaran ang kanilang ginawa, dahil sila ang ugat kung bakit nagkakalat ng sakit sa lipunan ang mga korap na pulitiko. Matatapang ang mga INC pagdating sa paggawa ng mga rally, ngunit, duwag sila sa pagharap ng katotohanan. Malakas ang kanilang boses at tinig, ngunit mahina ang kanilang kaalaman at pandinig.
Hindi ang mga Pinklawans, Dilawan, o mga Komunista ang lason sa bansa, ang INC ang totoong lason na patuloy na pumapatay sa mga Pilipino sa Pilipinas. Hindi nila masabi sa publiko na sila ang naglagay sa mga halimaw sa loob ng pamahalaan. Gumawa ng rally para ipanawagan na makulong ang mga magnanalay, ngunit hindi nila magawang pagsisihan ang kanilang mga aksyon sa nagdaang eleksyon.

A
Written by Angelo Masagnay (Kriemhild Gretchen), Insight PH
Angelo Masagnay (Kriemhild Gretchen), Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.