ISPORTS | Yulo naghari sa men's vault; sinikwat ang gintong medalya sa World Champion

Yahney Sabado, Insight PH

Author

2 min readOctober 28, 2025
ISPORTS | Yulo naghari sa men's vault; sinikwat ang gintong medalya sa World Champion
Nagpakitang gilas muli ang two-time Olympic Medalist na si Carlos Yulo matapos sungkitin ang gintong medalya sa 2025 Men's Vault Artistic Gymnastics World Championships, na ginanap sa Jakarta, Indonesia nitong Sabado.

Dumispatsa si Yulo ng mataas na 15.200 na puntos sa unang vault matapos ang halos perpektong pagsasagawa ng isang piked Dragulescu upang magkaroon ng .100 na bonus.

Pumoste si Yulo sa ikalawang vault handspring 2.5 twist na nakakuha ng 14.533 na puntos upang masungkit ang 14.866 na average at makamit ang ginto.

Sa kabilang banda, sinundan ni Arthur Davtyan ng Armenia ng 14.833 na puntos sapat upang makuha ang pilak na medalya.

Lumusot si Ukranian Nazar Chepurnyi at tinipa ang tansong medalya sa 14.483 na puntos.

Binulsa ni Yulo ang dalawang Olympic Gold sa nakaraang Paris Olympics, tig-isa sa vault at floor exercise, at ngayon muling bumalandra si Yulo ng isang ginto sa vault at isang tanso sa floor exercise.

"I'm beyond grateful and thankful, Lord, for all the challenges You've allowed me to experience... for blessing me with this kind of talent to share with the world,” ani Yulo.

Gayunpaman, ayon sa ulat, hindi sasali si Yulo sa susunod na kompetisyon upang makapagpahinga mula sa kaniyang injury at upang bigyang dayan ang ibang gymnast na magpakitang gilas.

"I will give it to my teammates. They can win the apparatus. They can win one." wika ni Carlos Yulo kay Cynthia Carrion, presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa kanilang pag-uusap.

Dahil sa husay at determinasyon muling nakamit ni Yulo ang gintong medalya dala ang bandera at lakas ng isang atletang Pilipino.

Written by Yahney Sabado, Insight PH

Yahney Sabado, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles