ISPORTS | UAAP: UP pasok sa final 4, tuluyang pinatalsik ang UST

A

Ackee Parungo, Insight PH

Author

2 min readDecember 15, 2025
ISPORTS | UAAP: UP pasok sa final 4, tuluyang pinatalsik ang UST

Sinelyuhan ng University of the Philippines (UP) ang kanilang tiket sa Final Four ng UAAP Season 88 men’s basketball matapos talunin ang University of Santo Tomas (UST), 82-81, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Disyembre 3.

Nagmartsa ang UP sa ikalima nilang Finals appearance matapos ang isang dikit at kapanapanabik na sagupaan kontra Growling Tigers.

Gayunpaman, may hawak na twice-to-beat advantage ang Fighting Maroons kasama pa ang depensang naging susi sa kanilang pagkapanalo.

Bumalikwas ang sitwasyon nang magpakawala ng go-ahead three pointer sa dulo ng laro si Terrence Fortea mula 79-81 patungong 82-81 sa huling 45 segundo.

“I’m very proud of our team, responding to that situation down the stretch,” ani Goldwin Monteverde, State U head coach.

Tumirada ng 22 puntos si Harold Alarcon na may kasamang dalawang rebounds. Samantala, umambag ng siyam na boards, tatlong blocks, at dalawang steals si Francis Nnoruka.

Sa kabilang banda, umiskor ng 24 puntos si Nic Cabañero, tatlong rebounds, at tatlong assists sa naging huling UAAP game niya, habang tinapos naman ni Forth Padrigao ang kanyang collegiate career na may anim na puntos at apat na assists.

Naghihintay ngayon ang UP sa mananalong Final 4 na laban ng De La Salle University at National University na magaganap sa Sabado, 3:30 p.m., sa Big Dome pa rin.

A

Written by Ackee Parungo, Insight PH

Ackee Parungo, Insight PH is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Sports

JJB Nitura, Insight PH

SPORTS FEATURE | CURSE: Tragedy of Victor Wembanyama

Victor Wembanyama was supposed to be basketball’s next great champion. From a young age, he stood above everyone else, not just because of his heig...

6 days ago 2 min read
HHarvey Padua

SPORTS | Aurora Türkiye stuns Team Liquid PH, drops defending champions to lower bracket

Aurora Gaming Türkiye swept defending champions Team Liquid PH, 2-0, during the Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Mid-Season Cup (MSC) 2026 Group Sta...

1 month ago 1 min read
HHarvey Padua & Rhan Saloma, Insight PH

SPORTS FEATURE | Binuhay ng Pagkamatay: Pag-arangkada ni Albert Ian bunsod ng pagkawala ng ama

Kapag ang isang tao ay nawalan ng isang taong naging kaagapay at karamay nito sa lahat ng bagay, marahil ito ang makapagpagguho ng mundo niya. Suba...

1 month ago 4 min read
Explore all Sports articles